Chapter 43: fight

2.4K 64 0
                                    

Tyrelle's POV

Hindi ko alam kung saan ko pagsisidlan ang lahat ng kaligayahang natatamo ko ngayon. Masyado akong masaya na halos hindi ko na namamalayan ang oras at araw.

May anak ako. May anak ako sa babaeng pinakamamahal ko. Pakiramdam ko lahat ng pangungulila at malulungkot na gabi ay napawi dahil dito.

Karga karga ko si Weaver habang nanonood kami mag perform ang kanyang Mama sa stage. Hindi siya nagbago, ganoon pa rin siya kagaling kumanta at ganito pa rin ang reaksyon ko simula ng una ko siyang marinig na tumugtog.

Nag hiyawan ang mga tao ng matapos ang kanta at kahit kami ni Weaver ay hindi namin mapigilang hindi sumigaw. Sabay sabay halos lahat ng tao na nagpalakpakan. Kitang kita ko ang mga mata ni Joey na nakatingin sa akin. Para akong asong ulol na nakanganga dahil kumindat pa siya mula sa stage. Parang gustong matunaw ng puso ko sa sobrang kilig.

Pumasok na sa backstage si Joey ng maramdaman ko ang pagkuhit ni Weaver sa akin. Binaba ko ang tingin ko sa kanya at saka siya nginitian.

"Papa, let's go! Puntahan natin si Mama." Tumango ako kay Weaver at saka dumiretso na kami sa backstage.

Nang makarating kami sa backstage ay hinarangan kami ng guardiya doon. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ng anak ko.

"Excuse me Sir, my Mama is inside." Ngumuso si Weaver at hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"Hindi po pwedeng pumasok ang walang i.d o kaya ay sticker pass." Sabi ng guwardiya. Tumango ako dahil ayoko naman ipagpilitan ang pagpasok namin.

"Daddy Filtrix!" Bumitaw si Weaver sa akin at kitang kita ko kung paano siya tumakbo sa lalaking tinawag niyang Daddy. Kung hindi ako nagkakamali ito ang lalaking tumawag ky Joey ng Sweetheart.

Inangat ng lalaking ito si Weaver at saka niyakap ito. Napansin ko rin na may sticker pass siya, iyong tinutukoy ng guwardiya sa akin kanina.

"Oh, bakit nandito ka sa labas? Sinong kasama mo?" Tanong niya sa anak ko. Inayos ko naman ang pagkakatayo ko at tumikhim upang makuha ang atensyon nila.

"Ang sabi kasi ng guy bawal daw kami pumasok. I'm with my Papa." Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata ng lalaking may hawak sa anak ko. Nagulat siya sa narinig at hindi na ako magtataka kung bakit. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng ituro ako ng aking anak sa kanya.

"Papa?" Tanong niya kay Weaver. Lumingon muli siya kay Weaver at tinanguan lang siya ng anak ko. Lumapit ako ng kaonti upang maglahad ng kamay.

"Kamusta pare, I'm Tyrelle." Ilang segundo niya pang tinitigan ang kamay ko bago ito tinanggap. We shook hands.

"I'm Filtrix." Nagbuntong hininga siya bago ako tiningnan muli mula ulo hanggang paa. "So you're back." It wasn't a question.

"Yes i am." Taas noo kong sagot.

"Tyrelle... Filtrix..." Ang malumanay na boses na yun ang pumutol sa mga masasamang iniisip ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Mama!" Bumaba si Weaver sa pagkakakarga ng lalaki at dumiretso sa kay Joey.

Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Joey. I don't know whats her relationship with this guy at talagang tinatawag pa siyang daddy ng anak ko. Nag igting ang panga ko ng halikan ng lalaki sa pisngi si Joey. Her eyes darted at me the second the kiss ended. Mabilis lang iyon pero mabilis ko din iniwas ang paningin ko doon.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now