Chapter 6: Joeylina

2.7K 69 1
                                    

Joey's POV

"Lasing na lasing yang kasama mo ah? Baka sumuka yan sa taxi ko." Rinig kong sambit ng taxi driver.


"Mayaman po ito, kaya niyang bayaran ang boundary niyo kung sakali Manong, wag kayo mag alala." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito dahil habang kinakausap ako ni Manong driver ay panay naman ang sandal nitong si Tyrelle ng kanyang ulo sa aking dibdib.


Tuwing inililipat ko ang pagkakasandal ng kanyang ulo ay bumabalik ito sa dibdib ko. Kung hindi ko lang alam kung paano kumilatis ng totoong lasing sa hindi ay malamang naisip ko nang sinasadya nitong mokong na ito na isandal ang ulo niya sa dibdib ko.

Palapit na kami ng palapit sa bahay pero wala pa rin akong maisip na idadahilan kay Nanay kung bakit may kasama akong lasing at makikitulog pa ngayon sa bahay. Ayaw ko naman magsinungaling, hindi ko iyon gawain. MBahala na si Batman!

Nang matanaw ko na ang bahay namin ay pinahinto ko na ang taxi. Matapos ko magbayad ay agad akong bumaba at pilit na inalalayan ang kasama kong daig pa ang uminom na bata. Pilit kong kinapa ang susi sa aking bulsa upang mabuksan ko na ang aming pintuan. Nang bumukas ito ay tahimik ang sala at alam kong tulog na sina Ina'y at Alyana.


Sa sobrang bigat ni Tyrelle ay halos mabangga na namin ang mga gamit sa loob ng bahay. Wala naman kaming sofa para patulugin siya sa sofa kaya naisip kong doon na lang siya sa kwarto ko at ako naman ay makikisiksik na lamang doon sa kwarto nila Ina'y. Nang makapasok kami sa aking silid ay dahan dahan ko siyang inilapag doon at pinahiga. Hay grabe!


Tinanggal ko ang kanyang sapatos at ang kanyang medyas. Kinumutan ko rin siya at binuksan ang bintelador.

Hindi ko mapigilan ang titigan siya. Mukha siyang hindi lasing, mukha lamang siyang batang mahimbing na natutulog na para bang pagod na pagod kakalaro. Kahit naman inis na inis ako sa lalaking ito ay hindi ko naman siya magawang pabayaan na lamang doon sa bar. Kargo de konsensya ko pa yata siya kung may mangyaring masama sa kanya dahil ako naman ang kainuman niya.


Kumuha na ako ng pambahay sa aking cabinet at nagtanggal muna ng make up bago dumiretso sa kwarto nila Alyana. Matapos ko magbihis sa banyo ay pumasok na ako doon. Mahimbing ang tulog nilang dalawa. Inayos ko ang unan sa gilid at isiniksik ang sarili doon. Panigurado akong magtataka sila pagkagising mamaya kung bakit ako dito sa kanilang kwarto natulog.


Nang magising ako ay pakiramdam ko may kung sinong nakatingin sa akin. Nang iminulat ko ang aking mata ay tama nga ako. Si inay at si Alyana ay nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba nila ako tinititigan, o kakagising lang din nila. Nang tingnan ko ang orasan ay nagulat ako ng alas nuwebe na pala ng umaga. Tumayo na ako at kinusot ang aking mata. "Nay kanina pa kayo gising?"


Hindi siya kumibo at tiningnan lamang ako na para bang may kailangan akong ipaliwanag sa kanya. Si Alyana naman ay ngingiti ngiti lamang na tinitingnan ako. "Sino iyong lalaki sa kwarto mo Joeylina? Boyfriend mo ba siya?"

Napahikab ako sa tanong ni Ina'y. "Nay, hindi ko po siya boyfriend. Kaibigan siya ng boss namin, nalasing siya kagabi doon sa Bar na tinutugtugan namin kagabi, wala siyang kasama at hindi ko naman alam ang bahay niya." Paliwanag ko. Napangiti naman ako ng makita ang mapaglarong ngiti ng aking kapatid. Ginulo ko ang buhok niya. "Hindi ko siya boyfriend." Pag uulit ko dahil mukhang hindi kumbinsido itong dalawang to sa aking paliwanag.


"Si Gerry ay hindi kailanman nakatulog dito sa bahay tapos kung sino sino na lamang ang inuuwi mo rito." Ani ni inay na ngayon ay panay naman ang ubo. Mukhang kailangan ko na talaga siyang ipa-check up. Tutal ay hindi ko na kailangan bumili ng panibagong gitara at may dalawang libo naman akong kinita kagabi sa pag ppromo girl.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now