Chapter 22: your body

2.5K 62 5
                                    

Warning: SPG! For mature readers only.



Joey's POV

Dumating si Tyrelle makalipas ang isang oras. Agad niyang kinuha ang bag ko at nagdadalawang isip akong ibigay ito sa kanya. Ayaw kong magalit o magtampo sa kanya kung bakit hindi niya nasabi na ex girlfriend pala niya iyong Tosca. But i need to be more understanding. Hindi pa naman kami ganoon ka tagal at siguro ay hindi pa kami umaabot sa topic na iyon. I just felt betrayed for no reason. Siguro dahil alam niya ang tungkol kay Gerry pero ako wala akong alam tungkol kay Tosca.

"Napagod ka ba sa class?" Tanong niya, mapupungay ang mga mata. Inakbayan niya ako. Somehow, his touch felt so mine. Gusto kong isipin na ako lang ang nahahawakan niya ng ganito.

"Classmate ko si Tosca." I felt he stiffened a bit of what i said. Tiningala ko siya. "She's your friend right?" May pait sa boses ko.


"Joey...." Sabi niya na para bang kinukumbinsi ako.


"Bakit di mo sinabing ex mo siya nung una natin siyang nakita?" Mahinahon ako ng tanungin ko iyon. Ayokong mag away kami ni Tyrelle pero gusto ko lang malaman ang kasagutan sa mga tanong na kanina pa tumatakbo sa aking isipan. Isang oras akong nag antay sa kanya at iyon lamang ang naiisip ko sa buong oras na iyon.

"Joey... I never mentioned her because she doesn't matter anymore." Huminto kami sa paglalakad. Kumalas siya sa pagkaka akbay sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.


"Ibig bang sabihin, dahil na mention ko si Gerry ay nag ma-matter pa rin siya hanggang ngayon?" Nagbuntong hininga ako. "You're still not over her, do you?"

Nanlaki ang mata niya at nag igting ang panga. "God Joey... San nanggaling yan? I'm over her!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Naniniwala naman ako sa kanya eh. Alam kong ako na ang mahal niya. Ramdam ko yun.


"Then, let's talk about her like she really doesn't matter to you anymore."


"Kailangan pa ba?" Tumango ako sa tanong niya.


"Fine."

Buong byahe pauwi ay si Tosca ang topic namin. I want to know something about her. Alam kong matagal na silang wala ni Tyrelle pero gusto ko lang may idea ako tungkol sa kanya.

Nalaman kong nag break sila dahil pupunta na ng US si Tosca. Pero nagulat na lang ito ng umuwi din pala kaagad ito at napag desisyonang hindi na doon mag aaral. Magkababata sila, magkaibigan noong una. Pakiramdam ko tuloy, wala pa sa kalingkingan ng pinagsamahan nila ang pinagsamahan namin ni Tyrelle. Nanliliit ako.


"When did you start drinking?" Tanong ko bigla. Nang huminto ang sasakyan dahil sa stop light ay tiningnan ako ni Tyrelle. Marahil ay nagulat siya sa pag iba ko ng topic.


"I drink casually noong high school kapag nagkakayayaan ang tropa. Pero hindi sa puntong umuuwi ako ng lasing sa bahay. My mom will kill me. Pero nung gumraduate na ako ng highschool at may bar na si Elvis doon na ako nagsimulang uminom ng uminom." Paliwanag niya.


"Bakit ka uminom ng uminom?" Tanong ko. Pilit pinupunto ang gusto kong puntuhin.


"Because i can be drunk anytime Joey. I just got my condo unit, my freedom." Sabi niya at pinaandar muli ang sasakyan. "Pakiramdam ko nakakulong ako noon."

Bigla naman akong nakaramdam ng guilty. Pakiramdam ko ay may naalala siyang hindi maganda dahil sa mga tanong ko.


"Are you thinking that i started drinking because Tosca broke up to me?" Tanong niya at nag igting ng panga. Tumango ako ng dahan dahan and gave him my apology look. "For the record hindi, okay. Yes, nasaktan ako sa naging hiwalayan namin but that's it. It's not hard to move on dahil nangingibabaw ang pagkakaibigan na nararamdaman ko para sa kanya."

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon