Chapter 17: good fight

2K 60 1
                                    

Joey's POV

Naging madali lang sa akin ang paggawa ng bagong kanta. Inspired na inspired ako gawin ito kaya wala pang isang linggo ay natapos ko na ito. Nakatulong din sa akin ang pag re-sign ko sa fastfood dahil mahaba na free time ko. Nagsusulat ako sa labas ng bahay at nakaupo sa may upuan doon sa labas. Lagi kong natatanaw ang lugar kung saan madalas ipark ni Tyrelle ang sasakyan niya kapag narito siya sa bahay.

Bukas na ang ika-labing apat na araw na nawala siya. I hope he still didnt forget about me like how i always remember him in any thing that i do.

Lumabas si Inay at nagdala siya ng kape para sa akin. Nginitian ko siya at sabay lapag ko sa gitara. Umupo si Inay sa tabi ko at kinuha ang papel na sinusulatan ko ng bago kong kanta.

"Gumagawa ka na ulit ng kanta Anak." It was a statement not a question. Tumango ako saka ngumiti. Niyakap niya ako at ginulo ang buhok ko. "Dahil ba ito kay Tyrelle?" Tumango ako ulit.

"Parang ang tagal tagal na niyang nawala Nay. Hindi ko nga alam kung babalik pa siya." Malungkot na sabi ko. Inabot ni Inay sa akin ang papel at itinuro niya ang mga nakasulat dito.

"Kantahin mo lang itong kantang ginawa mo, iyan ang panghahawakan mo." Matapos sabihin ni Inay iyon ay napatitig ako sa papel. Tama siya, kaya ko nga naisulat ang kantang to dahil may tiwala akong babalik siya.

Bumalik na si Inay sa loob at ako naman ay inaayos ko na ang huling stanza ng kanta. Bukas pwede ko na itong kantahin sa Bar dahil bukas na rin pala iyong naka schedule na meeting namin sa isang recording company. Tinawagan ko pa sina Gerry, Atan at Ram para ma ayos namin ang pagkatagpi tagpi ng instrumento sa kanta. Nagkayayaan na mamaya ay magkitakita sa tambayan doon sa bahay nila Gerry.

Nang maghapon na ay dumiretso na ako doon dahil excited akong marinig nila ang kanta ko. Nang dumating ako doon ay sinalubong kaagad ako ng Mommy ni Gerry. Niyakap niya ako at maligaya siyang makita akong muli.

"Joey iha, naku... Lalo kang gumaganda!" Humiwalay si Tita sa pagkayakap sa akin at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa habang hawak niya pa rin ang balikat ko.

"Naku po Tita, hindi naman po."

"Totoo, naku bakit ka pa kasi pinakawalan ng Anak ko." Pilit akong ngumiti sa kanya. Buti na lang at dumating na si Gerry, kinuha niya ang gitara ko sa akin at inabot ko naman iyon sa kanya. "Ikaw kasi eh, pinakawalan ko pa itong si Joey." Natawa naman si Gerry sa ginawang pag sabunot ng mahina ng Mommy niya sa kanya.

"Mommy, ako ang pinakawalan ni Joey." Tawa ng tawa si Gerry kaya naman ay natawa na rin si Tita.

Ang sweet talaga nitong mag ina na ito. Tita is the perfect mother in law, napaka bait at napaka sweet.

Dumiretso na kami ni Gerry sa underground room niya. Sa loob nito ay ang maliit na kwarto niya at sa isang pintuan ay nandoon ang isang set ng drums. Dito kami madalas mag jamming noon mag kakabanda at dito din namin nabuo ang mga kantang ginawa namin noong kami pa.

Kulay dark blue ang mga foam na nakapaligid sa dingding. Naalala ko tuloy nung sama sama naming magbabanda kinabit ang mga foam dahil para maging sound proof itong tambayan namin. May mga litrato namin sa may gilid noong mga kabataan pa namin. Napangiti ako sa itsura ko doon.

Nandoon na sa loob sina Atan at si Ram kasama ang kanyang asawa. Nagbeso si Princess sa akin ang asawa ni Ram at nakipag fist bump naman ako sa dalawa. Kumakain sila ng panigurado akong luto ni Tita. Kapag narito kasi kami kina Gerry ay palagi kaming busog. Lagi kaming pinapakain ng Mommy niya ng kung ano ano at lahat iyon ay masasarap.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now