Chapter 1

14.9K 185 20
                                    

Chapter 1

Sophomore Year:

 

DLSU Lady Spiker’s Training, DLSU Gym:

 

Ara

 

“Coverage!!! Abi, Mika, ang block!”

Si Kim ang nag-set ng bola tapos nag-drop ball si Cienne papunta sa side ng court namin; kinuha ni Justine ang bola, si Mokmok naman ang nag-set papunta sa’kin… tapos nag-spike ako nang sobrang lakas kaso na-dig pa rin ni Ate Liss.

“Ara! Diinan mo pa ang spike mo! Dapat mapatay mo ang bola!”

Ayan na naman ang sigaw ni Coach Ramil. Diinan pala ha? Pagkatapos i-set ang bola, ubod lakas kong pinalo ang bola! I gave it my all! Hahaha! Ayun! Hindi nga nila nakuha ang bola kaso may narinig akong reklamo mula sa isang napaka-familiar but oh so annoying frog-like voice.

“Aray! Sino ba ang pumalo ng bolang ‘yun?” Kung makatanong, ang OA-OA, parang siya ang nagmamay-ari ng gym.

“Nako, sorry Thomas. Si Ara kasi eh…” At nag-sorry pa talaga si Mika sa palakang ‘yun. Dapat lang talaga sa kanya ang nangyari.

“Na-facial ba?” Pasigaw kong tanong. Pinagtawanan naman si Thomas ng buong varsity team ng basketball.

“Oo best! Sapol ang mukha!” Sagot ni Mika na nagpipigil ng kanyang tawa.

“Buti naman. Okay na ba ‘yun, Coach?” Tanong ko kay Coach Ramil.

Medyo napailing na lang si Coach Ramil pero halata namang satisfied siya sa pinakita ko. Hahaha

“That was very good, Ara! Keep it up! Pero dapat kang mag-sorry kay Mr. Torres. Tapos na ang training natin since nandito na ang buong basketball team. I’ll see you tomorrow. Remember, discipline!” Paalala sa’min ni Coach bago siya um-exit.

“Narinig mo naman ang sinabi ni Coach Ramil di ba? Mag-sorry ka na sa’kin!” Confident na sabi ng pangit na si Thomas.

“At bakit naman ako magso-sorry? Part kaya ‘yun ng practice namin. Kasalanan mo at basta-basta ka na lang pumapasok sa gym. Dapat ikaw ang umilag!” Sagot ko sa pangit.

“You should apologize to me dahil tinamaan mo ang gwapo kong mukha. Pasalamat ka hindi mo nasira dahil ‘pag nagkataon, siguradong dudumugin ka ng mga fans ko dahil sinira mo ang gwapo kong mukha.” Mayabang na pahayag ni Thomas Kapal.

“Bobo ka ba? Kailan pa nasira ng isang bola ang mukha?” Pagtataray ko sa kanya. Ngayong wala na si Coach Ramil, it’s time to unveil may maldita side. Mwahahaha

“Mula nung natamaan ng bola ang mukha mo?” Cool na cool na sagot ng asungot.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now