Chapter 37

7.3K 162 27
                                    

Chapter 37

Ara

“Alam mo ba kung bakit Victonara ang pangalan mo?” Tanong sa’kin ni Mommy.

“Dahil Victorina ang pangalan niyo at gusto niyo akong i-damay sa kabaduyan ng inyong pangalan?” Sagot sa kanya habang pinipigilan ang aking sarili na mapa-roll eyes. Inaasahan ko ang isang maarte at madramang sagot mula kay Mommy pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

“Partly yes, tama nga ang sagot mo. But the real reason is, I always knew that you’re born a winner. Kaya nga Victonara. Derived from the word, victory. Alam mo ba na gusto ka sanang pangalanan ng Daddy mo ng Guillerma?” Paliwanag ni Mommy.

“Seriously? Guillerma? That’s even worse than Victonara!” Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Mommy.

“Yes. Kaya nga agad akong tumutol. Buti na lang nakinig sila sa’kin. Alam ko na buong buhay mo, kontrabida ang tingin mo sa’kin dahil palagi kong kinokontra ang mga gusto at hilig mo pero sana maintindihan mo anak, na ginagawa ko lang ang lahat ng ‘yun kasi mahal na mahal kita. You may not know it but I’m so proud and happy sa lahat ng mga na-achieve mo, anak.” Ngumiti si Mommy at niyakap ako. I totally didn’t expect that.

“T-thank you Mommy,” Hinalikan ako ni Mommy sa aking pisngi.

“Ikaw ha, nagtatampo na talaga ako sa’yo.” I looked at Mommy confusingly.

“Heartbroken ka pala ngayon pero hindi mo man lang sinasabi sa’kin. Hindi tuloy kita nadamayan.”

“Pero paano mo nalaman Mommy?” I looked at her nervously. The last thing I need right now ay isang napakahabang sermon ni Mommy tungkol sa buhay pag-ibig.

“Sinabi sa’kin ng Daddy mo. Pero bago pa niya sinabi, nararamdaman ko nang may pinagdadaan ka. What he shared just confirmed my suspicion. Do you really have to go through all those pain, anak?”

“He doesn’t really love me, Mommy…” I tried to hide my tears.

“Really? I’m quite surprised to hear that dahil base sa mga nakikita ko, kabaliktaran niyan ang pinapakita ni Thomas.”

“Maybe you mistook it for romantic love kahit friendly or brotherly love lang ‘yun, My.” I insisted.

“Well whatever it is, I really thought na may something na sa inyo ni Thomas. Masayang-masaya at excited na sana ako kasi magkaka-boyfriend na ang Princess ko.”

“I guess you made a mistake, Mom…”

“Pero kahit ano pa man ‘yang pinagdadaanan mo anak, I’m sure you’ll make it. You’re a strong girl. Just like me. Kaya nga Victonara ang pangalan mo. Lagi mo ‘yang tatandaan.” Mommy hugged me again.

“Naninibago talaga ako sa’yo ngayon, my. Ikaw ba talaga ‘yan?”

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें