Chapter 26

8.6K 161 25
                                    

Chapter 26

Thomas

 

“Thom, naiisip mo pa rin ba si Arra?” Nagulat ako sa tanong sa’kin ni Ara.

“Importante pa ba ‘yun?” Balik-tanong ko sa kanya.

“Di ba sabi mo mahal mo pa rin siya?”  

“Bakit ba mga ganitong klaseng tanong ang binabato mo sa’kin ngayon?”

“Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko sa’yo kanina?” Medyo naiinis na tanong ni Ara.

“Yes. Naiisip ko pa rin siya pero slowly, nakakapag-move on na rin ako.” I told her.

“Really?” What’s up with Ara today? Parang may nabago kasi sa pakikitungo niya sa’kin.

“Really.”

Katahimikan.

“Thomas…” Biglang nagsalita si Ara.

“Yeah?”

“Pwede mo ba akong samahan sa ospital ngayon?”

“Huh? Sino ba ang na-ospital?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Basta. Please…” Ugh. May magagawa pa ba ako? Ayoko namang hayaan lang si Ara sa ospital. Baka mahawa pa siya sa mga maysakit doon o baka naman...

“May sakit ka ba? Bakit hindi mo naman sinabi sa’kin?” Nag-aalala kong tanong sa kanya habang nilalagay ko ang aking palad sa kanyang noo at dinadama kung mainit ba siya pero normal naman ang temperature niya.

“Ang kulit. Okay naman ako di ba? OA kasi kung maka-react. Sinabi ko ba sa’yong ako ang maysakit?” Naiinis na tanong ni Ara sabay roll ng eyes.

“Sorry ha? Masyado lang kasi akong concerned sa’yo.” Sagot ko naman sa katarayan niya.

“Sino ba kasi ang pupuntahan natin sa ospital?” Kanina pa talaga ako nagtataka.

“Tara.” Biglang sagot sa’kin ni Ara.

“Huh?”

“Ang sabi ko, tara na sa ospital.” Ewan ko ba kung bakit napaka-moody ni Ara ngayon. Siguro meron siya.

“As in ngayon na talaga?”

“Shunga ka ba? Baka naman may deperensya na ‘yang utak mo. Tara na nga sabi! Tumayo ka na!” Hinila na ako ni Ara patayo.

“Fine…” Nagpahila na lang ako sa kanya at naglakad na kami palabas ng La Salle.  Grabe naman makadalaw tong si  Ara, kailangan agad-agad?

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now