Chapter 40

10.5K 228 63
                                    

Chapter 40

Ara

 

Nagising ako dahil sa amoy ng parang nasa dagat. Tiningnan ko ang aking paligid at pilit na ina-analyze kung nasan ako. Oh my gas! Si Kiefer! Nasan na kaya siya? Sa huling pagkakaalala ko, siya ang nagtakip sa’king ilong kaya tuluyan akong nahimatay.  Nasa isang kwarto ako. Hindi naman ito gaano kalaki. Malinis at maayos naman ito. Hindi rin naman nakatali ang mga kamay at paa ko. Ano na kaya ang nangyayari sa dorm? Na-realize na kaya nila na nawawala ako? Eh si Thomas? Nako po, baka hindi ko na sila muling makita dahil sa ginawa ni Kiefer. Huhuhu.... kapag ako namatay, talagang mumultuhin ko nang todo-todo ‘yang si Kiefer hanggang sa sumuko siya sa  pulis. Nilibot ko ang aking paningin at nag-landing iyon sa isang damit na nakalapag sa isang silya. Tumayo ako at nilapitan ito. Nakita kong may note na naka-attach sa damit.

Arabells,

Please wear the dress as soon as you wake up. After you put on the dress, you may go out of the room.

Huh? Kanino naman galing ang note na ‘yun? Wala man lang pangalan na nakalagay. Ibinaba ko ang note at in-examine ang damit. Maganda naman ang dress. Simple pero may dating. Sleeveless siya na may mga lace na design. Hay nako, ano ba ang iniisip ni Kiefer? Siya kaya ang may pakana ng lahat ng ‘to? Pero bakit kailangan ko pang magsuot ng puting damit? Wala na rin akong ibang choice kundi sundin ang instructions na nakasulat dun sa papel. Mahirap na, baka muling topakin si Kiefer at tuluyan na niya akong saktan.

Pagkasuot ko ng damit, himala namang saktong-sakto at fit na fit sa’kin ang dress. Parang sinadya talaga  itong tahiin para sa’kin. Nang mukhang tao at okay na rin akong tingnan sa aking ayos, napag-desisyonan ko nang lumabas. Sinubukan kong buksan ang door knob ng pinto and to my surprise, nakabukas ‘yun. So hindi pala talaga ako kinidnap or something ni Kiefer? Pero hindi ko pa rin ma-gets eh… kahit subukan ko mang i-connect ang mga pangyayari, wala pa rin. As I turned the knob, I let myself out.

Ang preskong simoy ng hangin at ang tunog ng alon ng dagat ang agad na sumalubong sa’kin pagkalabas ko. I can also feel the sand between my feet dahil naka-flip flops lang ako. It’s really very windy in here. I can also smell the salty feel of the sea. Tumingin ako sa aking paligid. Medyo madilim na kaya sa tingin ko, takipsilim na ngayon. I suddenly realized na nasa isang resort ako. Teka, ano ba ang ginagawa ko dito? Bakit dinala ako ni Kiefer sa ganitong lugar at kailangan pa talaga na magbihis ako?

Naglakad pa ako ng ilang hakbang hanggang sa may napansin akong nakalagay sa mga buhangin. Mga puti at pulang petals ng rosas. Dahil may pagka-chismosa ako, sinundan ko ang path na may mga petals ng rosas. Siguro may bagong kasal dito sa resort na ‘to kaya may mga ganito. Dahil sa pagsunod ko sa trail of roses, nakarating na pala ako sa pinaka-dulo. Napansin kong may isang table with candle lights na set for two. Ano ba ang ibig sabihin nito? Nyiiii… makikipag-date sa’kin si Kiefer dahil gagawin niya akong replacement kay Mika? Nooo!!! Wag naman po sana. Si Thomas lang talaga ang mahal ko.

Habang papunta ako dun sa table na may candle lights, napansin ko na may iba pa palang tables pero nakahiwalay ‘yung table na una kong napansin kanina. Para kanino naman kaya ang ibang tables na ‘yun? Hala, baka masyado lang akong assuming at hindi naman talaga ito para sa’kin. Siguro para ‘to dun sa mga bagong kasal. I mean wala na akong iba pang mahanap na logical explanation sa mga nangyayari ngayon. At bakit naman ito gagawin sa’kin ni Kiefer kung dinukot niya ako? Pero para saan naman kaya itong suot kong dress ngayon? Bakit kailangan pang may ganito? Napabuntong-hininga na lang ako. Masyado nang magulo ang aking isipan. Babalik na lang siguro ako dun sa room tapos tatakas at uuwi na ako. Mamaya ko na lang iisipin kung saan ako kukuha ng pamasahe pauwi.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon