Chapter 14

10.1K 147 51
                                    

Chapter 14

Ara

 

Halos mapatalon ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

“Vicki! Saan ka na ba ngayon?” Si Mommy pala ang tumatawag.

“Ara nga Mi… nandito na ako sa bus. Malapit na ako.”

“Dalian mo! Sinabi ko naman sa’yo na dapat maaga kang umuwi dito. Ilang beses ko nang pinaalala ‘yan sa’yo pero kinalimutan mo pa rin! Ano ka ba? Dapat…” Nilayo ko ang cellphone sa aking tenga. Ang ingay talaga ni Mommy.

“Mommy, nandito na ang bus. Sige, bye!” Pinutol ko agad ang kanyang tawag. Nakakainis talaga. Masyado akong na-busy sa plano kong paghihiganti kay Thomas kaya nakalimutan ko tuloy ang aking pangako na umuwi ngayon.

Pagbaba ko na bus, inaasahan kong sina Mommy ang susundo sa’kin pero ang driver na si Mang Delfin ang nakita kong naghihintay sa’kin. Bumati ako sa kanya at kinuha na niya ang mga bag ko at pinagbuksan ako ng pinto. Habang nagmamaneho siya, hindi ko mapigilan ang magtanong.

“Nasa’n sina Daddy? Bakit hindi sila ang sumundo sa’kin?”

“Bakit Ara, ayaw mo na ba sa’kin? Aba, naalala ko noong kinder ka, halos umiyak ka pa nga nung hinatid kita sa school.”

“Si Mang Delfin talaga masyadong matampuhin. Nagtataka lang naman ako kung nasan sina Mommy.”

“Pasensya ka na daw at hindi ka nila masusundo. Masyadong busy sa paghahanda ng tanghalian.”  Masyado naman yatang dinibdib nina Mommy ang pag-uwi ko.

“Nandyan din kasi ang Lolo mo kaya todo-asikaso rin sila.” Pagtatapos ni Mang Delfin.  Teka, nasa bahay din si Lolo? Gaano ba ka-importante ang pag-uuspan ngayon?

“Uhm Mang Delfin, alam mo ba kung tungkol saan ang pag-uusapan namin ngayon?”

“Nako, hindi eh. Mabuti pa, hintayin mo na lang mamaya. Nandito na rin naman tayo.” Pagkasabi nun ni Mang Delfin, sakto namang pinasok niya ang sasakyan sa gate namin at nag-drive siya nang dere-derecho sa front door namin. Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong agad ako ni Mommy.

“Vicki… I’m so glad you’re finally here. Right on time, Princess…” hinalikan pa ako ni Mommy sa aking pisngi.

“Ara, kumusta na ang pag-aaral?” Sumunod naman si Daddy at niyakap ako. Buti pa si Daddy, matino kausap.

“Okay lang naman po, Dad… medyo busy nga kasi season na namin sa UAAP.”

“Well, I’m sure 3-Peat na kayo. Sobrang galing kasi ng baby ko mag-volleyball!” Medyo ginulo pa ni Daddy ang buhok ko.

“Antonio, ‘wag mong guluhin ang buhok ng anak mo. By the way Vicki, I noticed your clothes. I’m so glad at nagbago ka na rin sa napakapangit mong taste. I’m glad you finally listened to me.” Proud na sabi ni Mommy. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora