Chapter 7

11.2K 156 15
                                    
Chapter 7

Ara

“Yes. Actually, siya talaga ang tinutukoy ko. I just want to take this opportunity to say sorry sa lahat. At sana patawarin mo na ako so that we can be friends again. Good luck!”

Pa-ulit-ulit…. Pa-ulit-ulit sa aking ulo ang mga sinabi ni Thomas sa interview kanina. Ugh!!! Bakit ganun? Dahil sa kanya, tuluyan akong na-distract sa laro namin. Ako tuloy ang tumanggap ng lahat ng sermon ni Coach Ramil. Pagkatapos na pagkatapos ng pagkatalo namin, agad kaming bumalik sa gym at nag-practice kami nang nag-practice hanggang midnight.

Pagdating namin sa dorm, pagod na pagod na kaming lahat kaya hindi na kami nag-usap pa ni Mika. Derecho na sa kama para makatulog. Pero bakit ganito? Pagod na pagod na nga ang buong katawan ko pero bakit hindi ang isip ko? Hindi pa rin ba ‘to napapagod sa kaka-replay ng pagmumukha ni Thomas? Oh knows!!! Hindi to pwede! Dapat burahin ko na siya sa aking utak dahil kakambal talaga ng malas ang lalaking ‘yun!!!

Kinabukasan:  

“Best, nag-open ka na ba ng Twitter accout mo?”

“Sa tingin mo best may time pa ako para mag-twitter pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin kagabi?” Medyo naiinis kong sagot kay Mika.

“I-check mo ang Twitter mo, dali!!! Alam mo bang trending kayong dalawa ni Thomas mula kahapon?”

“Ha?” Hindi makapaniwalang kinuha ko ang aking iPad at binuksan ko ang aking Twitter account. Oh knows!!! Ano ba ‘to? Sobrang kinikilig ang mga fans sa ginawa ni Thomas kahapon. Ang dami-dami ko nang mentions. Pinapasakit lang nito lalo ang ulo ko. Basa lang ako nang basa sa mga tweets nila… may nagbinyag na pala ng pangalan ng loveteam namin. Thomara daw. Nakakainis! Saan ba nanggaling ‘tong UAAP loveteam? Kung ano-ano na ang bansag nila sa’min ni Thomas. Ugh!!! Ang kaaway ko noon, magiging ka-loveteam ko naman ngayon? Tsk!!! Awkward!!!

“Hala, marami na ang nagtatanong kung may something ba talaga sa inyo ni Thomas. Ayon sa mga tweets, di bale nang talo daw tayo basta’t panalo ka naman daw sa puso ni Thomas. Ayieeee best…. kinikilig ako sa inyong dalawa!!!” Tili ni Mika. Nag ti twitter din pala siya.

“Saang parte naman ang nakakakilig dun best? Malay ko bang pasikat na naman ‘to ni Thomas.” Speechless na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now