Chapter 24

10.1K 180 24
                                    

Chapter 24

 

Ara

 

“HAPPY BIRTHDAY ARAAAAA!!!!!!!!!!!!!”

Halos mahulog ako mula sa aking kama dahil sa sobrang gulat.

“Uy Best, HAPPY BIRTHDAYYYY!!!!!!!” Tili muli ni Mika kaya tuluyan na akong nagising. Ano daw? Ah tama, birthday ko nga pala ngayon. Psshh… masyado kasi akong nag-enjoy sa lakad namin ni Thomas kagabi.

Nakita kong may dala-dala siyang cupcake na may kandila.

“Happy Birthday Bestfriend! Dalaga ka na talaga. Ayieee… wala na akong mahihiling para sa’yo kasi perfect na perfect na ang buhay mo. Ay meron pa pala…”

Biglang lumapit sa’kin si Mika at bumulong. “Sana tuloy-tuloy na ang magandang samahan ninyo ni Thomas hanggang sa simbahan. I wish you a happy love and marriage life. Hehehe…”

Pinandilatan ko siya ng mata. “Ano ka ba best! Magkaibigan nga lang kami ni Thomas. Kung ano-ano na ang pumapasok dyan sa isip mo.”

“Happy birthday Ara, happy birthday Ara… happy birthday dear Ara…” Hindi na nakasagot si Mika dahil bigla na lang pumasok sa kwarto si Ate Abi na may dala-dala ring cupcake katulad ng kay Mika.

“Happy Birthday Ara! Kahit 18 ka na, ikaw pa rin ang baby ng team natin. Enjoy the perks of being legally aged! Ahahaha… I love you!” Niyakap ako ni Ate Abi kaya gumanti rin ako ng yakap. “Thank you so much, Ate Abi!”

Akala ko silang dalawa lang ni Mika ang babati sa’kin pero mali pala ako. Pagkatapos ni Ate Abi, isa-isang pumasok ang mga teammates ko na may dala-dala ring cupcake. Lahat sila ay may birthday message para sa’kin.

“Happy Birthday Vicki! Pwedeng-pwede ka nang mag-boyfriend! Ay wait, may boyfriend ka na pala. Ahahaha!” Pang-aasar sa’kin ni Kim sabay bigay ng cupcake niya sa’kin.

“Wow, ang tanda mo na talaga Vicki! Buti na lang pinagtiyagaan ka pa ni Thomas ano? Hahaha.” Dagdag pa ni Cienne. Ang mga birthday greetings nila ay naging pang-aasar at pang-iintriga na rin sa’ming dalawa ni Thomas.

Isa-isa silang pumasok sabay bigay ng message. Akala ko ang teammates ko lang pero kasali na rin pala ang landlady namin, ang ibang classmates ko at pati na rin si Coach Ramil. Sina Kiefer at Jeron, dinamay rin pala ni Mika. Hahaha, alam kong si Mika ang may pakana sa pag-join nila.

“Happy Birthday Ara! Sa wakas, friends na rin kayo ni Thomas. Stay happy!” Bati sa’kin ni Jeron.

“Salamat Jeron. Hindi mo naman kailangang gawin ‘to para kay Mika. Hahaha!!!” Bigla tuloy nahiya si Jeron.

“Happy Birthday Ms. Galang. I’m sure Mika’s very happy to have a bestfriend like you. You’re just perfect. I just hope you’ll also find the perfect guy for you. I wish you good health and more incoming birthdays. Don’t worry, hindi ako pinilit ni Mika. I volunteered to help with the planning.” Sabi naman ni Kiefer sabay kindat. Hay nako, bakit pa palaging nganga si Jeron kapag nandito si Kiefer? Si Jeron pa naman ang manok ko para kay Mika. Pero anyways, thankful pa rin ako at tinuring na pala akong kaibigan ni Kiefer.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now