Chapter 6

11.1K 156 9
                                    

Chapter 6

Ara

After that “fateful” night, pilit kong kinakalimutan ang lahat ng mga pangyayari. At masasabi kong gumagaling talaga ako sa paglimot sa lahat. Kilala ko ang mga gaya ni Thomas, playboy nga siya kaya malamang mahilig siyang magpaasa ng mga babae. Hindi lang pala ako gumagaling sa paglimot, gumagaling rin ako sa pagtatago at pag-iwas kay Thomas. Kapag naglalakad ako sa hallway, humahaba ng ilang inches ang leeg ko para makita kung nasa paligid ba siya. So far, so good naman. Mag-iisang linggo na pala na hindi kami nagkikita kaya ceasefire muna ang away namin ngayon.

Last period na!!! Uwian na namin!!! Ay, may training pa pala kami. Buti na lang lumipat na sa ibang gym ang Green Archers kaya nakatulong rin ‘to sa pag-iwas ko kay Thomas. Looks like the odds are always in my favor. Hahahaha

Masaya akong naglalakad patungo sa gym. May pakanta-kanta pa akong nalalaman.

“Meron bang makapagsasabing iniisip kita? At meron bang may alam na laging hinahanap ka… kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba…………………………. na ako ay may lihim na pagsinta……..”

 

Aray! Naputol ang mini-concert ko nang naramdaman kong bumangga pala ako sa likuran ng isang studyante.

“I’m so sorry, hindi ko sinasadya.”

“No, it’s okay. Pero next time pwede tumingin ka naman sa dinadaanan-”

Pagharap niya sa’kin…

“Ara! It’s you! Long time, no fight. Hehehe”

Grrrr… pag minamalas ka nga naman. Akala ko pa naman matatapos ang linggo na hindi ko nakakaharap ang lalaking ‘to. Pero I was very wrong! Susungitan na naman ba niya ako? Nung simula parang ‘yes’ ang sagot pero ba’t bigla yatang bumait ang tono ng boses niya nang humarap siya at nakita niyang ako ang nakabangga sa kanya? Ang lapad-lapad pa talaga ng ngiti niya sa’kin ngayon na naging dahilan kaya lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Si Thomas Torres ba talaga ‘tong kaharap ko ngayon o baka doppelganger lang niya? Kinust-kusot ko pa ang mga mata ko pagkatapos kong mag-blink nang ilang beses.

“O ba’t ganyan ka naman makatingin sa’kin? Napapansin ko na talaga na iniiwasan mo ako this entire week.”

“Huh? Hindi ah. Busy lang ako.” At bago pa siya makasagot, nagsimula na akong maglakad palayo pero pinigilan niya ako.

“Teka lang. Pwede ba tayong maging friends? I mean sobrang dami na nating bangayan… hindi ka pa ba napapagod?” Sinasapian yata si Thomas ngayon. Come to think of it, ito ang pinaka-matinong usapan namin mula nung una kaming nagkita at nagkakilala.  

“Yes, napapagod ako. And no, we CAN’T be friends.” Sagot ko sa kanya with emphasis sa salitang CAN’T.

“But why?” Medyo nag-whine pa siya. Alam kong isa na naman ‘to sa mga schemes niya para makaganti sa’kin. Nalaman ko kasi mula kay Jeron na sobrang galit daw si Thomas nang malaman niyang may strawberry pala akong nilagay sa cake. Aba, I swear to God wala talaga akong alam na allergic pala siya sa strawberry. Ni hindi ko nga alam ang birthday niya, paano pa kaya ang allergies niya? Nagkataon lang kasi na ‘yun ang available nung binake ko ang cake.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now