Chapter 10

11.2K 150 21
                                    

Chapter 10

Ara

 

Tama ba lahat ng narinig ko? Ginagamit lang pala ako ni Torres para gawing front upang pagtakpan ang katauhan ng totoo niyang girlfriend na sa lahat ng pwedeng i-pangalan sa buong universe, Ara pa ang pinili ng kanyang mga magulang? Shet naman! Sorry sa foul word pero nakakaasar yata ang ginawa sa’kin ng asungot/pangit/masamang ugali/hinayupak/damuho na si Thomas. Bakit ba ako naniwala sa mga pinagsasabi niya kahapon? I should have known. Two years na kaming magkaaway kaya dapat, hindi ako basta-basta nagpapadala sa mga sinasabi niya in one day. Gaya nga ng sabi ko noon, once a jerk, always a jerk. Tsk! Buti na lang nalaman ko agad ang katotohanan bago ako tuluyang na-develop sa kanya este bago lumalim ang friendship kuno namin.

“Best, ano? Susugurin ba natin? ‘Wag ka namang umiyak.” Dahil sa sobrang inis ko, nakalimutan kong magkasama pala kami ni Mika ngayon.

“Anong umiyak? Kahit kailan, hinding-hindi ko iiyakan ang Thomas Torres na ‘yan! Sinusumpa ko. Tandaan mo ‘yan best.”

“Kasalanan ko ‘to lahat eh kasi kinumbinsi kitang makipag-ayos at makipagkaibigan sa kanya.” Nag-aalalang pahayag ni Mika.

“Wala kang kasalanan, best. Sarili kong desisyon ang makipag-ayos sa kanya.”

“Ano na ang gagawin natin ngayon? Ipapaalam ba natin sa kanya na alam mo na lahat kaya back to war na naman kayo?”

“Hindi. Hayaan natin siyang maniwala na friends na talaga kami.”

Akala siguro ng Thomas na ‘yun kayang-kaya niya akong gamitin at paikutin. Pwes, ‘yan ang pinakamalaking pagkakamali niya. Dahil ‘yung mga kamalditahan na pinakita ko sa kanya, ¼ pa lang ‘yun sa makikita niyang totoong kamalditahan ko ngayon. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Ginagamit at pinagsisinungalingan mo pala ako? Pwes, gagamitin at paghihigantihan rin kita. And I already have the perfect idea kung paano ‘yun gawin. Napangiti ako sa mga planong unti-unting nabubuo sa aking isip. And I just have the perfect mission name for it. I’ll call it, Operation: Destroy Thomas Torres.

“Best, ano ba ang iniisip mo ngayon? Nakakatakot na ‘yang mga ngiti at facial expressions mo. Sana naman hindi mo pa plinaplano kung paano papatayin si Thomas.” Kinakabahang sabi ni Mika.

“’Wag kang mag-alala, best. Hindi ako magiging criminal dahil lang sa Thomas na ‘yan. Ang gagawin ko’y higit pa. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya sa’kin! Bwahahaha!!!” Lumabas na talaga ang totoong maldita side ni Victonara Galang.

“Best, hindi ka pa naman siguro baliw no?” Nag-aalalang tanong ni Mika.

“Psychology major ka naman kaya malalaman mo kapag baliw na ako.” Sarcastic kong sagot kay Mika.

“Best, sure ka na ba dyan sa gagawin mo? Teka, ano nga pala ang balak mo? Kwento ka naman para at least kapag sumabit ka, nandyan ako para tulungan ka.” Naks naman, ang swerte-swerte ko talaga kay Mika. Buti na lang nakilala ko ang tulad niya.

“Awww…. Thank you so much Bestfriend!!! Kaya love na love kita kasi palagi mo akong sinusuportahan!” Sabi ko kay Mika sabay hug.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant