Chapter 25

9.8K 143 31
                                    

Chapter 25

Ara

 

“Excuse me po Maam Ara, Sir Thomas pero pinapatawag na kayo ng mga lolo ninyo.” Interrupt sa’min ng isa sa mga waiter.

“Thank you. Pwede bang ikaw muna ang mag-alaga kay Mara?” Tanong sa kanya ni Thomas.

“Uhm Sir, may trabaho pa kasi ako. Kailangan kong bumalik sa loob.”

“Ako na ang bahala sa’yo basta alagaan mo siya nang mabuti.” Utos sa kanya ni Thomas.

“Yes, Sir.” Buti na lang nakumbinsi ni Thomas ang waiter.

“Take good care of her, okay?” Dagdag ko.

“Let’s go.” Ewan ko ba pero parang nasasanay na yata si Thomas na hawakan ang kamay ko kahit saan kami magpunta.

Nang pumasok kami sa venue  ng debut ko, nakita kong nakatayo na pala sina Lolo Guille at Lolo Teodoro sa may stage.

Nagsimula nang mag-speech si Lolo Guille. “I would like to thank you all for coming to my granddaughter’s 18th birthday. This day was indeed a joy-filled day 18 years ago, when my dear daughter-in-law gave birth to Victonara. Sa mga old friends ko, alam niyo naman kung gaano kahirap magbuntis si Victorina before that’s why the birth of our dear Ara, is the greatest blessing we received from God. She’s our greatest treasure and any parents would be very lucky to have her.”

Grabe naman maka-speech si Lolo, nakaka-touch. Halos maluha-luha na nga ako dito.

“Tonight, we are not only celebrating my granddaughter’s 18th birthday. Because tonight, we’re happy to announce na after more than five decades of friendship, magiging tunay na magka-pamilya na rin kami ng aking bestfriend na si Teodoro. Ladies and gentlemen, I’m so proud and happy to announce the engagement of our granddaughter and grandson, Thomas Christopher Torres and Victonara Galang! A round of applause please!”

Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao pero hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa aking paligid. Oh no. Oh no, no, no, no….. this can’t be happening! Lolo just announced to everyone that I’m engaged? Oh my gosh! Ano na lamang ang sasabihin nila? Paano ba ‘to? Tumingin ako sa mga bisita at saka ko lang napansin na nakatingin na pala sila sa’ming dalawa ni Thomas dahil may spotlight na nakatutuok sa’min. Hindi panghuhusga ang nakikita ko sa kanilang mga tingin bagkus kilig at kasiyahan. Nahagip rin ng aking mata si Mika at ngiting-ngiti naman siya samantalang ang ibang teammates ko ay halatang nabigla sa anunsyo pero mukhang masaya at kinikilig rin sila dahil sumali rin sila sa palakpakan. Mula sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay bumaba ang mga mata ko sa magka-holding hands na mga kamay namin ni Thomas. Kaya ba ganun ang reaksyon nila? Hindi rin ako makatingin nang derecho kay Thomas.

“Minamahal kong mga apo, pwede ba kayong pumunta dito sa stage ngayon?” Narinig ko ulit anng boses ni Lolo at saka lang ako natauhan.

Iginiya ako ni Thomas palapit sa stage pero iwinaksi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong tumakbo palabas. Wala na akong pakialam kung gumagawa man ako ng eksena ngayon o kung sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat. Ang gusto ko lang ay umalis at lumayo sa lugar na ‘to. Gusto kong lumayo para makapag-isip-isip.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora