Chapter 18

10.4K 148 17
                                    

Chapter 18

 

Ara

 

“Remember, focus girls. FOCUS. Ayokong  maulit na naman ang pagkatalo natin.” Paalala sa’min ni Coach.

“Best, narinig mo ba ang sinabi ni Coach?” Bulong sa’kin ni Mika.

“Oo naman. Sabi niya focus.”

“Buti naman alam mo. Sana ‘yan din ang gagawin mo mamaya. Parang lutang ka eh.” Pansin sa’kin ni Mika.

“Eh si Asungot kasi…”

“You mean si…” Sagot ni Mika na agad na-gets kung sino ang tinutukoy ko.

“Sabi niya manonood daw siya ngayon. At ako ang babantayan niya.”

“OMG! Kinikilig na ako best… supportive ha?”

“ARA! YEYE! Di ba kakasabi ko lang na focus? Bakit chismisan kayo nang chismisan dyan?!”

Oh knows. We’re dead.

“Sorry Coach.”

Nasermunan pa tuloy kami ng 2 minutes ni Coach bago kami nagsimulang mag-warm-up. Dahil tapos na ang first game, lumabas na kami sa court at doon pinagpatuloy ang warm-up. Agad hinanap ng aking mga mata ang pagmumukha ni Thomas.

“Uyyyy, hinahanap….”

“Hindi ah.”

“Sus, tumatanggi pa. Andun siya nakaupo oh! Sa likuran ng bench natin.” Tinuro pa ni Mika kung saan nakaupo si Thomas. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, kumaway agad siya at nginitian ako. Parang wala akong nakita at agad akong nag-iwas ng tingin.

“Ang sungit mo naman. Parang sinasabi lang niya na good luck. Nako best, siguradong inspired na inspired ka na kay Thomas ano?”

“Che! Tumahimik ka best! Kailangan kong galingan ang paglalarongayon.”

“Para mas lalong ma-impress si fiancé?”

“Ssshhh….don’t say that word. EVER.”

Hindi na nakasagot si Mika dahil pumito na ang mga referee bilang hudyat na magsisimula na ang game.

Thomas

 

Kanina pa ako naiihi dito pero hindi ko pa rin magawang lumabas dahil masyado akong nakatutok kay Ara este sa laro. Nakaka-thrill at nakaka-excite pala manood kesa maglaro. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Nakikihiyaw na rin ako.

“ARA PUTS IT AWAY!!!!”  Hiyaw ng commentator.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang