Chapter 30

10.1K 167 55
                                    

Chapter 30

Ara

 

Sunod-sunod na ang winning streak namin at hindi na muling naulit ang pagkatalo namin sa UST noong opening weekend ng season na ‘to. Alam kong dapat akong maging masaya dahil siguradong may chance na naman kaming makapasok sa finals at gawing 3-peat an gaming championship pero sa kabila nun, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot sa tuwing naalala ko ang kasunduan namin ni Thomas: hindi matutuloy ang kasal namin kapag nag-champion kami sa season na ito. Hay nako, bakit ba kasi hindi na lang gawing simple ang lahat? Bakit pa kasi kailangang maging engaged kami ni Thomas? Mas lalo tuloy nagiging kumplikado ang lahat. Hep! Erase, erase!!! Mamaya ko na lang iisipin ang mga problema ko. For now, kailangan ko munangmag-focus sa training. At least for now, nadi-distract ako.

2 hours later…

 

Sa wakas! Natapos rin ang nakakapaod na training… okay na rin at sobra akong napagod para pagdating sa dorm, agad akong makakatulog at hindi ko na maiisip pa ang aking mga problema.

“Uyyy best…. hindi mo man lang sinabi sa’kin na may bago ka na palang manliligaw.” Napatingin ako kay Mika dahil sa kanyang sinabi.

“Huh? Hindi kita ma-gets.” Naguguluhan kong sagot sa kanya.

“Eh ano ba ang ginagawa niya dito?” Ngumuso si Mika sa may labasan ng gate at nang sundan ko ang kanyang tingin…

“I swear hindi niya ako nililigiwan. Ano ka ba? Engaged na nga ako!”

“Hello!!! Earth to Ara… baka nakakalimutan mong engaged ka nga pero hindi naman kayo dahil may iba siyang mahal. At isa pa, may deal kayo ng so-called fiancé mo na hindi itutuloy ang kasal ninyo. Di ba? Remember?”

“Alam ko naman lahat.” Hindi ko maitago ang lungkot sa aking boses.

“Best, look. I’m sorry. Hindi ko naman sinabi yun para saktan ka. Ginawa ko lang yun para kahit papano, mabawas-bawasan naman yang katangahan mo kay Thomas. At sa tingin ko, you should give that guy outside a chance.” Inakbayan pa ako ni Mika.

“Chance. Psh.”

“Malay mo best, baka siya ang makakapagpabalik ng mga ngiti mong kinuha ni Thomas. Matagal-tagal na rin kitang hindi nakikita na nakangiti…”

“Ano ka ba? Nakangiti naman ako ah…”

“Yeah, kapag kasama mo si Thomas. Tapos mukha ka pang tanga.”

“Eh ano ba kasi ang gusto mong mangyari?”

“Maging masaya ka.”

“Bakit palagi na lang napupunta sa’kin ang usapan? Eh kumusta naman kayo ng Kiefer at Jeron mo? Napapansin ko yata, hindi na kayo palaging magkasama ni Jeron.” Pilit kong nililipat kay Mika ang topic pero totoo naman talaga. Halos hindi ko na nga nakita si Jeron na kasama si Mika.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now