Chapter 20

10.3K 168 23
                                    

Chapter 20

Ara

"Basta wag na wag mo akong kalimutang i-text ha? Humanda ka talaga sa'kin. Dapat detalyado lahat ng sasabihin mo."

"Kailangan pa ba 'yan? Eh ano ba kita? Mommy?" Naiinis kong tanong.

"Ouch naman." Napahawak pa si Mika sa kanyang dibdib. "Ganun na ba trinatrato ang mga bestfriend ngayon? Parang gusto ko lang naman na maging updated sa mga happenings sa buhay mo ngayong bakasyon."

"Alam mo best, iba ang concerned sa pagiging chismosa. Pero wag kang mag-alala, i-kikwento ko sa'yo ang lahat."

"Dapat lang best. Alam kong ito ang magiging pinaka-exciting na Christmas break mo ever!" Halos tumili pa si Mika.

"Whatever, best. Sige, una na ako. Andyan na pala ang sundo ko."

"Wow, so ganyan pala kapag engaged ka na? May sumusundo na sa'yo?"

"Tange. Alam mo naman sina Mommy, nagiging paranoid na. Akala siguro nila lalayas ako para takasan sila kaya ayan, hatid-sundo na ako ng driver namin."

"Iba na nga kasi kapag engaged. Sige best, magpapasundo na rin ako. Nakakatamad kasi mag-commute ngayon dahil ang daming tao. Bye! Merry Christmas in advance!" Niyakap ako ni Mika.

"Advance Merry Christmas rin best! Oo nga pala, wag masyadong lumandi ha? Hinay-hinay lang kay Kiefer at Jeron." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Grabe ka naman kung makapagsalita. Eh ikaw yata ang engaged sa'ting dalawa."

"'Yan nga ang mission namin ni Thomas. Sabay namin silang i-ko convince para hindi matuloy ang kasal. Wish us luck na rin. Byeeee!!!"

"May the odds be ever in your favor, best. Bye!!!" Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, bumaba na ako at sumakay na sa kotse.

The next day:

Narinig kong tumutunog ang aking alarm clock. Pinatay koi to at pumikit muli. Malapit na akong makatulog nang marinig ko naman ang boses ni Mommy mula sa labas ng aking kwarto.

"Ara, gumising ka na." Ugh! First day ko ng bakasyon ko ngayon kaya gusto kong gumising ng late. Nakakapagod kaya ang gumising nang napakaaga araw-araw para sa training. Hindi ko na pinansin ang kanyang boses. Tinakpan ko ng unan ang aking ulo at pumikit.

"VICTONARA!!!" Agad akong napatayo dahil sa sigaw ni Mommy. Nakita kong pumasok na pala siya sa aking kwarto.

"Mommy! Bakit ka ba pumasok dito? Gusto ko pang matulog."

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?!"

"Hindi. Gusto ko pang matulog..."

"Gosh, Vicki. Today is December 24. Alam mo bang darating dito mamaya ang pamilya ng fiancé mo?" Napahawak pa sa kanyang noo si Mommy.

"Eh ano naman ngayon? Mamaya pa naman 'yun. Please my.... Inaantok pa talaga ako."

"Hindi pwede. Dahil ipagluluto mo si Thomas at ang kanyang pamilya."

"Ano?! Kailangan pa bang ako ng magluto? Eh ano naman ang silbi ng mga hinire ninyo na chef? Tsk!" Kaasar.

"Vicki, hindi lang sila basta bisita. Magiging parte na rin sila ng pamilya natin. Ipagluto mo na sila para maramdaman man lang nila na nag-effort ka para sa kanila." Napangiwi ako sa sinabi ni Mommy. Confident na confident talaga sila na matutuloy ang kasal. Tsk.

"Eh kung magluluto ako, ano naman ang gagawin ninyo?" Hindi kasi marunong magluto si Mommy kaya malabong tulungan pa niya ako.

"Ako ang pipili kung ano ang susuotin mo mamaya." Excited na sabi ni Mommy.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now