Chapter 12

11.2K 153 30
                                    

Chapter 12

1 week later, Saturday (Date Night of Ara and Thomas):

 

Ara

 

“This is it, best. Good luck!”

“Thanks best, kinakabahan nga ako eh.”

“Hindi ikaw ang dapat kinakabahan kundi ang Thomas na ‘yun. Dapat ihanda na niya ang kanyang sarili. Bwahahahaha!!!” Kung makatawa ‘tong si Mika parang siya ang mastermind at kontrabida, nahawa na yata siya sa’kin.

“Sorry, best. Nadala na kasi ako. I mean, with your looks, sino ang mag-aakala na may masamang binabalak ka pala?”

“Grabe ka naman sa masamang balak. Hindi naman masyado. So ano best? Okay na ba ako?”

“The best! Buti na lang tinulungan tayo ni Ate Mich at Ate Liss sa makeup at damit mo. Love the shoes by the way. You look girly, innocent and simple.” Nag-thumbs up sign pa sa’kin si Mika.

Tiningnan ko ulit ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng pastel pink sleeveless dress na may black lace na design at black ribbon sa waist area. Pumili si Mika ng tatlon klase ng kwintas para maging accessory ko. Para sa footwear, si Ate Liss ang pumili. Gusto niya sanang magsuot ako ng heels pero tumanggi na ako dahil masyado nang sumakit ang paa ko pagkatapos kong magsuot ng high heels for one week kaya ballet flats lang ang suot ko ngayon. Syempre, para na rin mas madali kong magagawa ang aking plano laban kay Thomas. Si Ate Mich rin ang nag-makeup sa’kin. Overall, I look nice… and beautiful. Hahaha

“Pasalamat ka talaga Best dahil sa Wednesday pa ang game natin. Pero tandaan mo, dapat umuwi ka nang maaga dahil maaga rin ang training natin bukas.” Paalala sa’kin ni Mika.

“Of course, best! Ang dali lang kaya ng plano ko!”

“Sure ka bang kaya mo ang plano mo?” Alanganing tanong ni Mika.

“Syempre naman. Kayong dalawa kaya ni Jeron ang inspirasyon at source ko sa aking plano.”

“Best, paano mo gagawin ‘yan? Eh mayaman si Thomas. I’m sure kayang-kaya niyang bayaran ang in-order ninyo ‘pag nagkataon.”

“Naisip ko na ‘yan ahead of time kaya sinabihan ko siyang ‘wag na ‘wag magdadala ng pera kahit isang piso dahil ililibre ko siya.”

“Eh naniwala naman kaya ‘yun?” Ano ba ‘tong si Mika, parang walang tiwala sa’kin.

“Obviously yes! Halos lumuwa na nga ang mata niya nang sabihin ko ‘yun sa kanya. Masyado yatang nagandahan sa’kin. Anyway, sure ako na magiging successful ang plano ko ngayon. Siguradong mapipilitan siyang maghugas ng mga plato! Hahahaha…”

“Good luck. Basta maaga kang umuwi dahil may training pa bukas. Teka, anong oras ka nga pala susunduin ni Thomas?” Tumingin pa si Mika sa orasan namin sa kwarto.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now