Chapter 19

10.3K 154 25
                                    

Chapter 19

 

Ara

 

Habang naglalakad kami ni Mika patungo sa kanya-kanya naming classroom, nakita ko si Thomas na naglalakad palapit sa’min. Nang makita niya ako, agad niya akong nginitian kaya gumanti rin ako ng ngiti. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap dahil pareho kaming nagmamadali patungo sa aming klase.

“Akala mo hindi ko ‘yun nakita noh?” Panunukso sa’kin ni Mika.

“Ang alin?”

“Sus, nagkakaila ka pa. Obvious naman ang ngitian at tinginan ninyong dalawa ni Thomas.” Grabe talaga ‘tong si Mika, pati ba naman ‘yun napansin niya pa?

“Alam kong may hindi ka sinasabi sa’kin mula nung date ninyo ni Thomas kagabi.” Panunukso ulit ni Mika.

“Ang kulit mo talaga best. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ‘yun date? Nagkasundo lang naman kami na i-sekreto ang lahat. At pangalawa, di ba nasabi ko na naman sa’yo ang lahat ng nangyari?” Naiinis na sabi ko kay Mika. Totoo naman talaga kasi… kinwento ko na ang lahat ng nangyari kagabi. Alam ko kasing may pagka-chismosa rin si bestfriend.

“Nasabi mo na nga lahat pero alam kong may something sa inyong dalawa ni Thomas. Parang may spark!”

“Anong spark? Ano ba kami? Fireworks? Apoy? Tigilan mo na nga ako best, baka bumagsak pa ako sa test namin ngayon.”

“Bumagsak? Eh buong gabi ka ngang nag-aral. Halatang inspired. Ayieee….” Bago pa ako makaisip ng i-sasagot kay Mika, naglakad na siya palayo papunta sa kanyang classroom. Loka-loka rin talaga paminsan-minsan ‘tong si bestfriend. Dati nung magkaaway pa kami ni Thomas, napaka-supportive niya pero ngayong okay na kami, saka naman niya ako tinutukso. Tsk.

Nasa loob na ako ng classroom nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Since hindi pa dumadating si prof., chineck ko muna kung sino ang nag-text.

From: Thomas Pangit

Hi Ara! Sabay tayo mag-lunch mamaya ha?

 

Reply: Sure! Saan?

Teka, teka… erase… erase. Parang excited na excited. Type ulit.

Reply: Talaga? Sigurado ka bang ako ang niyayaya mo?

 

No, no… parang masyadong pakipot. Ugh! Ano ba kasi ang dapat kong i-reply dito?

Reply: Would love to. But got something important to do this lunchbreak. Next time na lang…

 

Send.

Perfect! Medyo ayoko rin kasi munang makaharap si Thomas. Parang hindi pa masyadong nagsi-sink in sa aking utak na friends na talaga kami. Isa pa, ayaw kong maulit ang nangyaring “random smile” ko kagabi dahil sa kanya. Oo na, aaminin ko, pinangiti nga ako ni Thomas kagabi. Ewan ko ba kung bakit. Pero hindi lang ‘yun…. Muling bumabalik ang wild palpitations ng aking puso lalo na kapag nagkakausap kami. Weird.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now