Chapter 8

10.8K 144 16
                                    

Chapter 8

 

Mika

 

Tapos na ang klase ko kaya naglalakad na ako sa hallway papuntang canteen nang makasalubong ko si Jeron.

“Hi Mika! Sa’n ang punta mo ngayon?” Ngiting-ngiti na sabi ni Jeron.

“Sa canteen. Kakain na ako ng lunch.” Ganting-ngiti ko rin sa kanya.

“Ganun ba? Ahhh… halika na. Sabay tayo. Ililibre kita.” Wow libre! Gustong-gusto ko pa naman ang nililibre. Kaya lang nakakahiya kapag agad akong papayag. Baka isipin niyang patay-gutom ako. Hahaha, pakipot muna slight.

“Teka, akala ko ba may klase ka ngayon?” Hindi ko naman talaga alam ang schedule niya. Wala na akong ibang maisip na palusot eh. Hahaha… sana wala, sana wala….

“Ha? W-wala ah.” Teka, ba’t nauutal siya? Hindi kaya may klase talaga siya? I-confirm ko nga. Hehehe

“Eh bakit ka naglalakad palayo sa canteen at patungo sa direksyon ng mga classrooms?” Sa pagmumukha niya, parang nabisto siyang nagnanakaw. Nagsisinungaling siguro siya.

“H-hindi. Patungo kaya ako sa gate kasi gusto kong sa labas mag-lunch. Nakakasawa kasi ang mga pagkain sa canteen.”

“Sure ka? Weh? May klase ka yata eh….” Pangungulit ko pa sa kanya.

“120% Sure! Sige na Mika, samahan mo na ako!” Oh ayan, may second invitation na. Ang cute-cute niya talaga kapag nagmamakaawa siya. Parang gusto ko tuloy pisil-pisilin ang cheeks niya. Hahaha

“S-sige! Saan mo ba gustong kumain?” Papayag naman talaga ako. Hahaha… kunwari nahihiya pa ako.

“Sa ****** restaurant na lang. Masarap ang mga pagkain nila!” Masayang sabi ni Jeron.

“Di ba medyo malayo ‘yang restaurant na ‘yan mula dito? Baka ma-late ako.” Nag-aalalang tanong ko kay Jeron. Nako, 2 hours lang yata ang free ko tapos may klase na ulit ako.

“Don’t worry. Dala ko na ang kotse ko ngayon. There’s enough time.” Confident na confident pa talaga si Jeron.

“O-okay. Tara!” May kotse pala eh di no worries! Isa pa, libre na ‘to kaya grab the opportunity! Hehehe

Teka, ba’t parang ang saya-saya ng pagmumukha ni Jeron? Tama ba ‘tong nakikita ko? Kukunin na niya sana ang kamay ko pero nagdalawang-isip siya at hinayaan na lang akong sumunod sa kanya papunta ng kanyang kotse.

Habang nagmamaneho si Jeron patungo sa restaurant, nararamdaman kong panay ang sulyap niya sa’kin. Ano bang problema sa itsura ko? May dumi ba ang aking pagmumukha? Nakakahiya naman kung tatanungin ko siya. Sobang tahimik naman dito sa kotse. Mukhang nahihiya pa rin sa’kin si Jeron. Pero napansin kong pinindot niya ang play button ng player sa loob ng kanyang kotse at maririnig sa buong sasakyan ang isang pamilyar na awitin.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now