Chapter 34

8.6K 156 18
                                    

Chapter 34

Thomas

 

“I love you so much Ara.”

“I love you too Thomas. So so much.”

Finally. She said it. Mahal niya rin ako. Ang sarap sa pandinig ko.

“Wait, buong gabi ka bang natulog dito?” Hindi yun boses ni Ara. Nananaginip na naman ba ako? I opened my eyes. I was definitely dreaming about Ara saying I love you too part. Si Arra pala ang kaharap ko ngayon at nakatulog ako sa mismong lugar kung saan kami nagkaaminan ni Ara kagabi. Buti na lang magkapreho sila ng pangalan kundi, siguradong patay ako.

“Ha? N-no. Galing ako sa kwarto. I came here to watch the sunrise and then hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.”

“Buti naman. Sabi kasi ni Kim hindi niya daw naramdaman na pumasok ka sa room niyo last night.” Worried na sagot ni Arra.

“Of course pumasok ako. Siguro tulog na tulog na siya pagkapasok ko. I slept late rin kasi.”

“Yeah, you have a point. Anyway, I came here to tell you that breakfast is ready.”

“Nasan si Ara?” Kumunot ang noo si Arra sa tanong ko. Saka ko lang na-realize ang nasabi ko kaya agad ko itong dinagdagan.

“I need to inform her na tumawag si Lolo kagabi. May dinner daw ang families namin.”

Arra just exhaled. “Nasa loob siya, kasama si Kim. We’re about to have breakfast.” She said tightly.

“S-sige. Susunod na ako. Thanks.” Gumanti lang ng ngiti si Arra at tumalikod na sa’kin.

Wala na rin akong ibang nagawa kundi tumayo at sundan siya papasok ng bahay para mag-agahan. Pagpasok ko, narinig ko ang boses ni Kim sabay tawa. Hinintay kong marinig rin ang boses niya, ang tawa niya, pero wala.

Pagpasok ko sa hapag-kainan, nakita ko sina Ara at Kim na naka-upo.

“C’mon Ara, did you get my joke? Kasi parehong walang laman ang utak at wallet niya. Hahahahaha….” Tawa nang tawa si Kim at halatang-halata na sinasaya niya lang talaga ang kanyang tawa. Tiningnan ko si Ara. Ngiti lang ang ganti niya sa sinabi ni Kim. Sekreto akong napangiti dahil sa reaksyon ni Ara. Hahaha, sige pa Kim… mag-effort ka pa! Halata kasing kulang na kulang at waley ang mga jokes mo! Bwahahaha…

“Bakit nakatayo ka pa dyan? Halikana na, let’s eat.” Biglang nagsalita si Arra mula sa aking likuran. Tuluyan niya akong hinila papasok sa hapag-kainan kung sa’n tumatawa pa rin si Kim. Nang makita ako ni Ara, agad siyang sumabay ng tawa kay Kim na para bang tuwang-tuwa silang dalawa dahil sa kanilang pinag-usapan. Hindi niya siguro alam na kanina ko pa sila minamasdan.

“Wow, mukhang nagkakatuwaan kayo ha. Share niyo naman sa’min.” Sabi ni Arra.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now