Chapter 9

10.9K 134 14
                                    

Chapter 9

Ara

 

Kakatapos lang ng practice namin kaya pagdating sa dorm, pagod na pagod na talaga kaming lahat. Pero itong si Mika, ang hyper-hyper pa rin. Kanina ko pa nga siya napapansin habang nasa practice kami. Kakaiba talaga ang energy level niya. Ganadong-ganado at todo-bigay pa siya sa mga spikes niya. Inspired yata ‘tong babaneg ‘to.

“BEST!!!” Sabi ko nga, hyper na hyper pa rin siya hanggang ngayon.

“Bakit?”Buti na lang may natira pa akong energy para sa kanya.

“May lunch date ako kanina!” Masayang-masaya pa talaga ang mukha niya.

“Ako rin!” Teka,  sa’n ba nanggaling ‘yun? Nako, nadulas yata ako...

“Ikaw rin? Wow!!! Bestfriends nga tayo! Kwento ka na!” Siguro ‘yung ka-lunch date niya ang dahilan kaya napakasaya niya ngayon.

“Ikaw nauna eh. Makikinig muna ako.” Mag-iisip pa kasi ako ng paraan kung paano i-edit ang mga pangyayari kanina para di niya ako asarin.

“Fine. Parang kinikilig ako kanina kasi niyaya ako ni Jeron na mag-lunch!” Sinasabi ko na nga ba si Jeron ang kasama niya.

“At kinantahan pa niya ako habang nagmamaneho siya. Okay lang kahit sintunado ang boses niya. Ang cute-cute at ang gwapo-gwapo nga niyang tingnan. Isa pa, gustong-gusto ko talaga ‘yung song na kinanta niya. At ang sarap-sarap niyang ka-kwentuhan. Ang layo-layo kapag nasa court siya. Ewan ko ba best, ayaw ko namang maging assuming pero tingin ko, may gusto siya sa’kin. Yieeeee…” Seryoso, ngayon lang talaga niya napansin na may gusto si Jeron sa kanya? Eh halos alam na yata ng lahat kung gaano siya ka-mahal ni Jeron.

“Kaya lang best…” Ano kaya ang nakita ni Mika kay Jeron at mukhang disappointed siya?

“Kaya lang ano…?”

“Iniwan niya ako sa restaurant…”

“Ha? Seryoso? Weh? Di nga? Baka hindi ka iniwan… baka may emergency lang.”

“Sus kung maka-react maka-Jeron na maka-Jeron. Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla siyang naglaho. Siguro nga’y may nangyari lang pero nakakaasar ang pang-iiwan niya sa’kin ha? Pero di bale, kasi na-meet ko naman ang idol ko! WHOOOO!!!!” Kung mataas na ang energy level ni Mika, mukhang naging x100 naman ang pagka-hyper niya ngayon. Minsan talaga naloloka ako sa babaeng ‘to.

“Pakihinaan mo nga ‘yang boses mo. Wagas ka naman kung maka-sigaw. Sino ba ‘yung idol mo?”

“Si Kiefer Ravena! Niligtas niya ako… tapos hinatid niya ako sa La Salle! Nako, mukhang hindi yata nauubusan ng kilig ang araw ko ngayon! Hahahaha.” Adik din talaga ‘tong si Mika. Kinilig kay Jeron tapos kikiligin rin siya kay Kiefer? Hindi pa nga ako nakasagot, kinwento na niya sa’kin ang lahat ng nangyari kanina habang hinahatid siya ni Kiefer.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now