Chapter 16

10.3K 140 22
                                    

Chapter 16

Ara

 

Any minute now, siguradong tatawag na sina Mommy para ipa-alam sa’kin na hindi na matutuloy ang nakakalokang engagement. Sa mga oras na ito, I’m sure nasabi na ni Thonas lahat. Kaninang mga lunch pa kaya siya umalis. Tapos na rin ang training namin bilang paghahanda sa game this Wednesday kaya nagpapahinga na lang ako sa dorm habang hinhintay ang tawag nila.

“Best, hindi ka pa matutulog? 11 PM na.” Akala ko tulog na tulog na talaga si Mika.

“May hinihintay pa ako.”

“Nako, matulog ka na best. Maaga pa ang training natin bukas. Baka gusto mong mapagalitan ulit ni Coach. Ayaw pa naman niyang maulit ang pagkatalo natin.”

“Tsk. Eh importante rin kasi ang hinihintay kong tawag! Nakasalalay ang lovelife  at future ko dito kasi kapag natuloy ang engagement ko kay Thomas, siguradong sira na lahat!” Opps! Bakit ko ba na-blurt out ‘yun lahat kay Mika? Nako po.

“Bestfriend… ah ano kasi… it’s complicated kasi. Ano eh…”

Bakit hindi sumasagot si Mika? Narinig ko na lang na humihilik na pala siya. Buti na lang hindi niya narinig ‘yung mga sinabi ko.

Naghihintay pa rin ako pero hindi na talaga kaya ng mga mata ko. Kahit pinipilit kong buksan, kusa na silang pumipikit. Bahala ka Thomas, lovelife mo rin ang naka-depende dito!

Earlier that night:

Thomas

 

“What do you mean na umaatras ka sa kasunduan?!” Galit na sigaw ni Daddy.

“Dad, nasabi ko na ‘to kay Mommy kanina. She’s not the Arra that I thought.”

“Eh sinong Ara ba ang inaakala mo? You said it yourself. Mahal mo siya kaya pumapayag kang magpakasal. Alin ba dun ang problema?!”

“Kasi Dad, ibang Ara pala ang iniisip natin. You’re thinking of Ara Galang pero ang iniisip ko naman ay ang girlfriend ko na si Arra Rivera.”

“Well, it’s not my fault na masyado kang assuming! The point is, you already agreed. At nakakahiya sa mg Galang, lalung-lalo na kay Tito Gulliermo kung sasabihin nating umaatras ka pagkatapos nating ipa-alam sa kanila na pumayag ka na. Nakakahiya!” Sabi ni Dad.

“Dad, ‘yun lang ba ang importante sa’yo? Kung ano ang sasabihin ng ibang tao? Paano naman ako Dad? What about my dreams? My lovelife? My girl? My future? I love this girl, Arra. Hindi ko siya basta-bastang pakakawalan dahil lang sa lecheng arranged marriage na ‘to! ” Madamdamin kong pahayag.

“TO HELL WITH YOUR REASONS! YOU ARE MARRYING VICTONARA GALANG WHETHER YOU LIKE IT OR NOT, AND THAT IS FINAL… AND IRREVOCABLE! GET IT?” Nako po, nakakatakot na si Dad. Intense na intense na talaga siya. Time to call my Mom for back-up.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon