Chapter 4

11.6K 162 7
                                    

Chapter 4

Thomas

“Mag-concentrate kayo! Ayos-ayusin n’yo naman ‘yang laro n’yo! Nakakahiya ang performance natin nung Sabado. Dapat tayong makabawi! Lalung-lalo ka na Torres! Ang dami-dami mong errors, parang ikaw ang dahilan kaya’t natalo tayo!”

Ouch! Ang sakit naman ng sinabi ni coach. Ako ba naman ang sinisi gayong si Ara naman talaga ang may kasalanan? Nang makita ko siya, na-distract ako kaya nawalan ako ng focus. Ewan ko ba sa aking sarili kung bakit pa ako na-guilty sa nangyari sa kanya gayong fans ko naman ang gumawa nun. At nalaman ko pa mula sa kanila na binuhusan lang naman nila si Ara ng frappe dahil tinarayan daw sila. Serves her right! Masyado kasing maldita.

“Torres! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?”

“Yes Coach. Babawi po ako ngayong Sabado.” Mahinahon pero cool na cool kong sabi. Thomas Torres na ‘yan eh… hahaha

“You better. Pagkatapos ng napaka-disappointing at nakakahiya mong performance. Everybody, ipagpatuloy niyo ang training! Mag-focus sa depensa!” Nakakatakot talaga si coach kapag nilakasan niya nang sobra ang kanyang boses, para kasi siyang sumisigaw. Nagpatuloy na kami sa aming training.

3 hours later…

 

Sabay na kaming naglalakad ni Jeron nang masalubong namin si Mika.

“Hi Jeron! Hi Thomas!” Masayang bati sa’min ni Mika. Hindi nakaligtas sa’king peripheral vision ang kilig ni Jeron.

Agad kong hinanap kung kasama ba niya ang Bruha. Tumingin-tingin ako sa paligid at sa may likuran ni Mika.

“Hinahanap mo ba si Ara? ‘Wag kang mag-alala, hindi ko siya kasama ngayon.” Nakangiti pa ring sabi ni Mika. Sigurado akong namamatay na sa kilig itong si Jeron ngayon.

“Hi Mika! Ang saya-saya ko talaga at nanood ka ng game namin nung Saturday. Sayang nga lang at talo.” Sinasabi ko na nga ba magpapa-cute talaga ‘tong si Jeron kay Mika. May pakamot-kamot pa siya sa kanyang ulo na nalalaman. Nakakadiri gumawa ng ‘damoves’ itong si Jeron. Buti pa ako, may suave at may touch of Thomas Torres. Bwahahahaha!!!

“Okay lang ‘yun, ang galing mo ngang maglaro eh! Idol na talaga kita! Whooo!”

Nag-uumapaw na ang kilig ni Jeron ngayon. Halatang-halata na kasi.

“Talaga? Idol rin kasi kita! Ang galing mo ngang mag-block eh!” Gumanti pa talaga si Jeron.

“Hindi mo pa nga ako nakikitang maglaro. Pero salamat. Hahaha…” natawa na lang siguro si Mika dahil sa ka-weirduhan ni Jeron.

“Mukhang masarap yata ‘yang dala mo Mika ah…” sabi ko sa kanya. Napansin ko kasing may dala-dala siyang box ng cake. Baka fan ko rin ‘to at gusto niyang ibigay ang cake sa’kin. Hihihihi

“Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Chocolate cake ‘to para sa’yo!” Inabot na sa’kin ni Mika ang box ng chocolate cake. Sinasabi ko na nga ba fan ko rin si Mika.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now