Chapter 13

9.9K 126 31
                                    

Chapter 13

 

Ara

 

Naalimpungatan ako dahil bigla na lang gumalaw ang sinasandalan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at tiningan kung sino ba ‘to…

Oh my gosh! Si Thomas! Paanong…? Muling nag-replay sa aking utak ang mga pangyayari kagabi.  Parang panaginip lang yata ‘yun lahat. Dahan-dahan kong nilayo ang aking sarili kay Thomas. Ang awkward kasi ng posisyon namin. Parang nakayakap pa kami sa isa’t isa. Nako, siguradong lagot ako kay mommy kapag nalaman niya na natulog ako habang may kayakap na lalaki buong gabi. Aalis na lang siguro ako habang tulog pa siya. Nakakahiya kasi. Parang ayokong makaharap siya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Sana naman bukas na ang lecheng stock room na ‘to.

Ingat na ingat ako sa pagtayo at paglakad palayo sa kanya. Sinubukan kong buksan ang pinto…. Bingo! Naka-unlock na nga. Lumabas ako sa stock room at nag-tiptoe palabas para hindi ako makalikha ng ingay. Ano ba ‘to, para tuloy akong kriminal na may nagawang krimen. Buti na lang walang nakakita sa’kin. Tyempo namang may dumaan na taxi. Pinara ko agad at nagpahatid na ako pauwi ng dorm.

DLSU Dorm:

 

Buti na lang tulog pa ang buong dorm pagdating ko. Agad akong dumerecho sa kwarto namin ni Mika. Akala ko tulog pa siya…

“Saan ka galing kagabi? Ba’t ganyan ang itsura mo?” Wagas naman ‘tong si Mika… parang nanay ko lang.

“Relax ka lang best… wala namang problema sa itsura ko ah?”

“Anong wala? Sabihin mo nga sa’kin ang totoo, successful ba ‘yung plano mo? O baka nauto ka rin ni Thomas at tuluyan mo nang…” Tumingin sa’kin ng nakakaduda si Mika. Inabot ako ng 2 minutes bago ko ma-gets ang ibig niyang sabihin.

“BEST! Ano ka ba? Hindi ah… at sad to say, hindi natuloy ang plano ko.”

“Chill lang best, wala naman akong sinasabi. Pero talagang nag-alala ako sa’yo! Halos hindi nga ako nakatulog kakahintay kung kailan ka uuwi. At kailangan ko pang magsinungaling kay Coach Ramil para lang pagtakpan ka sa training kanina. Kaya ‘wag mong sasabihin na pumalpak ka.” Mahabang paliwanag ni Mika.

“Hindi ko na pala talaga kailangang ituloy ang plano.”

“Ano naman ang ibig mong sabihin best?”

“Dahil break na sila ni Arra bago ko pa makumpleto ang paghihiganti ko.”

 

 

Thomas

 

“Arra, Arra… I love you! I love you so much!” Niyakap ko siya pero wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko ang init na nagmumula sa kanya pero wala na… puro lamig na lang. Binuksan ko ang aking mga mata at na-realize kong iniwan na niya ako. Bakit… bakit…??!! Kahit nahihilo at masakit ang ulo ko, pinilit kong tumayo at tumakbo ako palabas. Nabangga ko ang isa sa aming mga tauhan.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя