Chapter 22

9.9K 226 29
                                    

Chapter 22

Thomas

I woke up early dahil gusto kong makita ang sunrise. Ever since I was a kid, I've always loved to look at the sunrise and appreciate how wonderful it is. Kaya ngayong nasa bakasyon ako, susulitin ko na ang pagkakataon na makakita ng sunrise mula sa isang mala-paraisong lugar. Lumabas na ako ng kwarto at dere-derechong naglakad patungo sa garden.

Mga 4:45 AM pa lang kaya medyo madilim pa ang paligid. Nang papalapit na ako, bigla akong napatigil nang makarinig ako ng mahihinang pag-iyak. Sino ba 'to? White lady? Diwata? Ang duwag ko talaga, hindi naman sila totoo. Pero kapag totoong white lady talaga ang makikita ko, I swear, tatakbo talaga ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan ng babaeng umiiyak. Ina-assume ko na lang na babae dahil sa paraan ng kanyang pag-iyak. Habang palapit ako, mas lalo akong nagiging sigurado na babae talaga ang umiiyak. Konting steps na lang....

Ayun siya. Hindi naman pala white lady o diwata. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo ako sa kanyang tabi.

"Are you okay?" Ang tanga ko talaga. Malamang hindi siya okay, kaya nga umiiyak. Take two.

"I mean, bakit ka ba umiiyak?"

Pilit niyang pinupunasan ang mga luhaan niyang mata at tumingin siya sa'kin.

"Alam kong pagtatawanan mo lang ako."

"Pwede ba 'yun? Ba't ko naman pagtatawanan ang dahilan kung bakit ka umiiyak?"

"Promise me, you won't laugh."

"I promise."

Tumingin ulit sa'kin si Ara na tila sinisigurado na hindi ako tatawa. Ilang katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita.

"Tumawag si Manang kagabi. Natagpuan na daw si Thomas."

"Well, that's great then! Bakit ka malungkot?" Naguguluhan kong tanong.

"Natagpuan na nga siya. Kaya lang..." Umiyak ulit si Ara.

"Kaya lang ano?"

"Nasagasaan pala siya ng kotse. He's already decomposing when they found him." Okay, isang pusa pala ang iniiyakan niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what pero nang makita ko ang ekpresyon sa mukha ni Ara, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot at awa. Ewan, parang dinadamayan ko yata si Ara.

"I'm sorry. Condolence." Dahil umiiyak pa rin si Ara at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin, niyakap ko na lang siya. Ewan ko ba kung bakit ko 'yun ginawa but it seems like the most right and natural thing to do at this moment. Kanina ko pa rin kasi napapansin na nilalamig na siya. Ewan ko ba sa babaeng 'to, sobrang ginawin pero hindi naman nagsusuot ng jacket o cardigan. I stroked her back to calm her down.

"Listen, I don't know if cats have souls but wherever Thomas is right now, I'm sure he's in a much happier place. I'm sure marami siyang daga na mahuhuli kung nasan man siya ngayon." Tumango lang si Ara bilang sagot. Ilang minutong katahimikan ulit ang lumipas. Sabay kaming napatingin sa langit habang unti-unting lumalabas ang araw at ang napakagandang pag-iba iba ng mga kulay sa kalangitan. Ara and I just sat, silently appreciating the beauty that God has created.

"Ang ganda.... Alam mo bang first time kong makapanood ng sunrise?" Tanong sa'kin ni Ara.

"I'm glad I got to share that first time with you. How are you feeling now?"

"Much better. Thanks for comforting me. Mahal na mahal ko si Thomas. Natagpuan ko lang kasi siya na pagala-gala two years ago kaya sobrang malungkot ako sa nangyari sa kanya."

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon