Chapter 31

8.3K 164 18
                                    

Chapter 31

Ara

 

“O pare! Bakit ka nandito sa dorm nina Ara?” Nakangiting bati ni Kim. Ugh! Hindi ba niya napansin na kanina pa siya tinatapunan ng matatalim na tingin ni Thomas?

“Wala ka na dun, Kim. Tapos mo na rin namang hiramin ang fiancée ko di ba?” Obvious na obvious ang sarcasm sa boses ni Thomas pero hindi ko alam kung may halong galit o inis ba yung narinig ko sa kanyang boses. Teka, tama ba yung narinig ko? Did he just call me his fiancée? Pero bakit…?

“Yeah. Kaya nga hinatid ko siya ngayon. The question is, bakit nandito ka sa dorm ni Ara?”

“We need to discuss something important. About our upcoming wedding.” Binigyang diin pa ni Thomas ang salitang wedding.

“Hah! Don’t lie to me pare. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa crazy engagement ninyong dalawa. Hindi mo nga mahal si Ara di ba? Kaya bakit ipinagdadamot mo siya?” Nanghahamon na tanong ni Kim.

“Ara is special to me. Please, kailangan pa naming mag-usap. Nakaka-disturbo ka na.” Pilit na pinapakalma ni Thomas ang kanyang boses.

“Okay lang ba sa’yo Ara?” Tumingin sa’kin si Kim. Alam kong sinusubukan niya kung nakapag-move on na ba talaga ako kay Thomas.

“Of course.” Hinila ko si Kim para medyo malayo kami kay Thomas. “I’ll prove it to you na tuluyan ko na talaga siyang nakalimutan. Di ba yun naman talaga ang gusto mo? Simpleng pag-uusap lang to.” Bulong ko kay Kim.

“Hindi pa rin ako lubusang naniniwala sa’yo dahil hindi basta-basta nabubura ang pag-ibig sa isang tao. Pero sabihin mo agad sa’kin kapag pinaiyak ka na naman niya ha?” Hindi maitago ang concern sa boses ni Kim.

“Syempre naman. Sige na, mukhang kanina pa inis si Thomas. Pagbigyan na natin.” Natatawa kong sagot kay Kim.

“Hoy! Aalis ka na ba Kim o buong gabi na lang kayong mag-bubulungan dyan?” Asar na reklamo ni Thomas.

“Ito na… aalis na po sir. Bye Thomas! Ara, wag mong kalimutan yung pinag-usapan natin ha?” At tuluyan nang nagpaalam sa’min si Kim.

“Hay salamat at wala na ring asungot.” Alam kong sinadya talagang palakasin ni Thomas ang kanyang boses para marinig ko ang kanyang sinabi.

“Grabe ka naman. Kaibigan mo yung tao tapos tatawagin mong asungot?” Saway ko kay Thomas.

“Eh ang lakas ng loob na makialam. Teka, saan ba kayo nagpunta?” Tiningnan ako ni Thomas.

“Sa carnival. Alam mo bang ang saya-saya doon? Tapos kumain kami ng cotton candy, hotdog, waffles… at hindi pa kami nakuntento, nag-dinner rin kami sa isang karinderya. Ang sarap pala dun! Akalain mo yun? Marami palang alam si Kim kahit mayaman siya. Tapos ang galing niyang magpatawa. Tawa nga ako nang tawa. Hahahaha….” Pagkukwento ko kay Thomas.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now