Kabanata 7

5.3K 117 7
                                    

Kabanata 7
Fight


"Oh yeah, I almost forgot to ask that too," ani Ace. Ang mata ko ay hindi nawala kay Denice.

"Denice Reyes," she answered smiling. Nakahinga ako nang maluwag.

"I'm Maribella, 'yon na lang ang itawag niyo sa'kin." Not mentioning my surname is fine right?

"Yon and Denice mauna na kami. Kailangan na namin bumalik sa tapat at baka pagalitan na kami. May mahalaga pa kasi kaming gagawin,"  sabi ni Ckert. We laughed in unison. He called me Yon!

"What she means is to call her Maribella, Ckert. Birdbrain," pang-iinis ni Harry. Tumawa si Kent nang malakas at binatukan lang ito ni Ckert.

"Ah, okay," simpleng sagot ni Ckert.

"Para saan?" Tanong ni Denice kay Ckert, tinutukoy ang gagawin ng mga ito.

I think that's too personal. Gusto kong sikuhin si Denice para tumigil na ito sa katatanong pero sumagot na naman kaagad si Ace.

"We're gangsters..." Ni hindi manlang nahdalawang isip ma sinabi niya iyon.  Hindi ko alam kung tama ba na maging malapit kami sa kanila o hindi.

There's no evidence of shocked in Denice's face. Obviously, alam niya na.

Tahimik ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"We know," bahagyang tumawa si Denice.

They look at her in surprise.

"How did you know? Akala ko ay matatakot na kayo," tanong ni Ace.

"I have my source..." Tumawa si Denice bago magpatuloy, "...in fact we're daughters of mafia bosses."

I almost choked by my own saliva. Isang masamang tingin ang naigawad ko kay Denice but she was so happy to mind my reaction.

"Wow! Talaga?! Sino'ng mga magulang ni'yo?" Kent asked with amazement in his voice. Ang tatlo ay gulat rin at hindi inasahan iyon. Kahit ako ay hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa mga ito! That should be a secret. My secret.

"My Dad is Zander Caviezel and her Papa's name is Emmiel—"

"I think you guys need to go?" putol ko kay Denice at pekeng ngumiti sa mga lalaking kaharap. She's even willing to tell my personal information to others without my consent! Alam kong natuwa lang siya sa nakilalang magulang pero sana ay hindi niya idamay ang personal kong buhay sa usapan.

"Caviezel?! Really? Wow! Malapit kami sa mga Caviezel pero wala kaming balita sa babaeng anak nila. So it's you? Kung ganoon pwede pala kami pumunta sa bahay n'yo?" Their attention was now on Denice. Ni hindi na napansin ang sinabi ko. I don't know what to feel. Idagdag pa na sinabi ni Kent na malapit sila sa pamilyang iyon. The family I hated the most.

And how come that they're close to that family? I thought they're different. Na mukha silang mabuti, but then a part of my mind reminds me that I still didn't know them well. May mga tinatago pa rin sila sa kanilang katauhan.

I am afraid that I might get friendly and close to my enemy's friend. Hindi ko iyon gugustuhing mangyari.

"Sige punta kayo! Anyway, baka hinahanap na pala kayo ni Rex." Mabuti nalang at nabanggit din iyon ni Denice. I want these guy's out of my condo now.

Pakiramdam ko ay talagang malapit sila sa Caviezel dahil nang malaman na si Denice ang anak ay halos magkumahog silang sumipsip rito.

Minutes later they decided to go. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag.

Binigay ko kay Denice ang damit na ipapahiram ko. She doesn't have clothes here at sinabihan ko rin naman siya na papahiramin ko siya. Matapos kong mag-shower ay natulog na rin kaagad ako.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessWhere stories live. Discover now