Kabanata 25

4.5K 104 0
                                    

Kabanata 25
Kuya


Katulad kahapon ay nagsabay ulit kami ni Gabbie sa pagre-recess. She toured me again and again. Hindi ko nalang namalayan na halos natandaan ko na pala ang mga pasikot-sikot ng school. She's fine to be with. Hindi siya nauubusan ng kuwento. Wala raw kasi siyang makasundo dahil palagi rin siyang tinatarayan ng iba kaya aniya nang makita raw ako ay pumasok sa isip niya na 'She's the one'. Tinawanan ko nalang ang ideya niyang 'yon.

She's energetic. Maninibago ako kung isang araw ay bigla itong mananamlay.

I successfully got my phone back. Mabuti at hindi ako nahuli ni Papa. I don't know if he'll find it out but he's too busy to even think about it. Tinawagan ko si Denice and she said she's fine. Nababagabag lang ako ng boses niya. I felt like she's not...

She said she'll try to visit me or at least make friends. Para may makasama siya at pag may problema siya ay may dadamay sa kaniya.

Uwian na rin naman kaya nag-iikot nalang ulit kami. Itinuturo niya ang mga building and offices at kung anu-ano pang narito, pinapasagot niya sa akin kung ano iyon. 

"There!" turo niya.

"That's the library. Bawal ang maingay sa loob dahil may parusa," wika ko, iyon ang sinabi niya kahapon.

"Yes, and ano namang parusa ang maaring matanggap?" ani Gabbie.

"Depende sa kasalanan. Kapag maingay ay pagdadalahin ng limang  aklat na gustong i-donate sa library, kapag may nakaaway ay isang linggong hindi makaka-attend ng class dahil magbabantay sa library, kapag may ka PDA ay pagdadalahin ng stuff toy na kahit ano at 'yon ang hahalikan mo for 2 long hours." I'm glad I've memorize it all. Hindi ko bga sigurado kung biro ba ang mga iyon o talagang iyon nga ang parusa.

"Ang galing mo marz!" tili nito na ikinangiwi ko. She's been calling me Marz since yesterday. Hindi ko naman na pinansin dahil akala ko ay panandalian niya lang akong tatawagin ng ganoon pero hanggang ngayon ay iyong ang tawag niya sa akin.

"How about that one?" tanong niya at tinuro ang nasa kanang bahagi.

"Principal's office, hindi maaaring pumasok kapag hindi ka pinapatawag or kailangan." Iyon nga lang ay nakapasok na naman ako roon pero importanteng bagay naman ang pinunta ko.

"That's the?"

"Minions building—I mean ang building ng mga first section. Katulad nga ng sabi mo tayo ang unang room ng second floor dahil seniors tayo at ang mga juniors ang nasa dulong room. Sa baba namang floor ay grade school and of course hindi mawawala ang mga high school sa third floor."

Shr clap her hands looking amaze. Napangisi nalang ako sa kung paano ito umakto.

"Wala akong masabi sa'yo. Ang galing mo makatanda pero doon ka lang pumalpak sa pagpasok sa last room kahapon." malakas itong tumawa. Nakuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon at siya pa ang mas nahihiya para sa akin.

"Halika ito sigurado akong mas alam mo 'to, pero let's see kung natandaan mo pa ang mga punishment." hinila niya ako sa kung saan at tinakpan pa ang mata ko.

"Charan! "

"Gym? Anong meron dito? Wala ka pa namang nasabing punishment," reklamo ko. Ang pagtatanong niya sa akin ngayon ay may kaukulang parusa. Kaya kapag nagkamali ako ay paparusahan niya raw ako kuno.

Sinakyan ko nalang ang trip nito dahil alam ko naman pipilitin niya lang din ako.

"Kahit hindi ko sa'yo sabihin ay dapat automatic na alam mo na 'yon kasi kaparehas ng parusa rito ang sa Prizia Academy," ani Gabbie.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon