Kabanata 12

5.1K 110 0
                                    

Kabanata 12
Harry

"Mga girls may naglalaro daw ng basketball!" tili ng kaklase kong bakla.

Nagtakbuhan ang mga kaklase ko palabas. I laughed when I saw how they pushed each other just so they can go first.

"Deni-" I was about to call Denice when I was cut by someone. May kung sino ang nagmamadaling humila sa akin. Gustuhin ko mang magprotesta pero ang atensyon nito ay nasa pupuntahan at mahigpit pa ang hawak nito sa aking palapulsuhan.

Dinala niya ako sa gym. Ano namang gagawin ko? She's my classmate, kilala ko man sa mukha pero malilimutin ako sa pangalan.

"Rits! Di ba crush mo si Kent? Tingnan mo naglalaro siya! Ito na ang pagkakataon mo! Magcheer ka. Dapat agaw atensyon para mapansin ka niya," she said still holding my wrist. Ni hindi ako binalingan ng tingin at nanatili ang tingin sa court.

Players' shoes are creating noises. Maging ang sigaw ng bawat estudyante.

Hindi ako umimik at tinuon nalang ang atensyon sa unahan. I want to see her reaction whem she finally realize I'm not Rits.

"Hoy Rits! Bakit 'di ka pa sumisigaw? Akala ko ba makapal mukha mo?! Magsalita ka nga hindi ka naman ganiyan katahimik diba?" inis niyang wika. I remained silent.

Nanahimik na rin siya. Wala pang ilang minuto nang malakas na sigaw ang nangibabaw sa lahat.

"GO! GO, GO CARLOS! GO BABY KENT!"

Lumuwag ang hawak sa akin ng babae. Para itong natauhan sa narinig.

"Rits?!" mabilis siyang lumingon sa akin. Imbis na ngitian ko siya ay tinaasan ko ito ng kilay. I'm a bit pissed though. Basta-basta lang siyang nanghihila.

"S-sorry po! Akala ko kasi ikaw si Rits. Ah... T-temmie po."

Nilahad niya ang kamay niya. To not be rude I accept it.

"Maribella."

"Uhm, halika puntahan natin si Rits!" Kung akala ko'y nahiya siya, hindi pala. Muli nitong hinawakan ang palapulsuhan ko at dinala ako papunta sa kaniyang kaibigan.

"Rits! Kanina ka pa pala nandiyan! Dahil sa hindi mo sa akin paghintay may nahila tuloy akong iba," ani Temmie. Pinagmasdan ko ang babaeng tinawag niyang Rits, singkit ang mata nito at maiksi ang buhok.

"Okay lang 'yan. My new friend naman tayo. Pakilala mo naman siya sa akin." Rits looked at me and smile. Hindi ko magawang mainis dahil sa pagngiti nito. I guess they're kind.

"Maribella si Rits nga pala. Rits si Maribella," Temmie said, pointing her hands to our direction every time she mentioned our name.

"Nice meeting you Maribella! First time kong magkaroon ng friend na sobrang ganda! Ito kasing si Temmie nakakasawa ang mukha, " Rita joked. Kurot ang nakuha niya kay Temmie pero tumawa lang siya. I can't help but to laughed too.

Overall, I think they're fine. Maayos silang pakisamahan. Sa tagal ng panonood ay marami silang nakuwento sa akin.

I suddenly remember Denice. Shit! Si Denice naiwan ko.

"I think I need to go now. Naiwan ko ang kaibigan ko. Siya dapat ang kasama ko pero nandito ako. By the wat nice meeting you guys." Tumango sila at pareho pang kumaway sa akin. Tumango nalang ako.

Pumunta ako sa classroom namin at nagbakasakali na nandon pa siya. Nabunutan ako ng tinik nang makita siyang naroon pa rin. May kung anong iniisip siguro habang nakaupo.

I was about to call her but then I stop as her lips formed into a devilish smile. Hindi ako sigurado kung namamalik mata lang ako dahil agad din iyong nawala.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon