Kabanata 27

4.4K 107 0
                                    

Kabanata 27
Babe

Hindi ko inaasahan na ganito kataas ang kumpyansa nila sa sarili. Talagang ipinaglalaban nila na ako ang nawawalang kapatid ni Zein.

Well sa tingin ko nagkamali sila.

"Miss, can you please open your mouth?" mahinhin na wika ni Doctora.

"Do I really have to do this?" nakataas kilay kong tanong habang pinapanood lang nila kami.

"Yes, para malaman namin kung ikaw ang nawawalang kapatid ni Zeiner." Ani no'ng lalaking ka grupo ni Zein sa Soul Hunters na may nunal sa labi.

Ngumanga na nga ako at naramdaman ang bulak na lumalapat sa dila ko.

"Ok na po." wika ni Doctora.

Itinikom ko na ang bibig ko at humarap sa kanila.

"So, can I go now?" tanong ko.

"Bahala ka. Bumalik ka after 1 week at ng magkaalaman na." natatawang sabi ni Ckert.

"Yep! Malalaman ko na, na niloloko niyo ako." sabi ko at nasimula ng lumabas. Buti naman at hindi ako masyadong nagtagal. Maaga pa dapat ako uuwi para sa bisita ni Papa.

Pumunta ako sa parking lot nitong school at nakita ang kotse namin na nakaparada. Susunduin 'ata ako.

Kumatok ako sa bintana at may nagbukas naman ng pinto ng kotse.

"Ma'am tara na po. Kanina pa po kayo hinihintay ng Papa niyo. "

Sumakay na ako sa backseat.

Nakaharap ako sa bintana at nagmumuni-muni. Hindi pa rin ako nakakabisita kina Denice. Busy kasi sa school.

Pagkatigil ng kotse ay bumaba na ako at dumiretso sa kwarto ko.

Baka nasa sala sila. Nagsuot ako ng white dress na mukhang presentable sa mata.

Pumunta ako sa kusina at may nakitang dalawang lalaki. Si Papa at 'yong isa ay nakatalikod sa akin.

"Oh hija, nandito ka na pala." ani Papa at tumayo upang yakapin ako.

Tumayo rin 'yong lalaki at humarap sa akin.

OMO! SO GWAPO! Ay ang kiri...

Super gwapo! Talo ang fess ng mga artistang kilala ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko upang halikan.

Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko. Hindi ko maiwasan... Ikaw ba naman halikan ng isang hot at gwapong katulad nito.

"I'm Deiver Wells." pakilala niya. Kakilig!

Pinag-ayos niya pa ako ng upuan.

Sigle kaya 'to? What the?! Anong kahalayan ito?

"Hija, siya ang sinasabi ko sa'yong anak ng katrabaho ko. Sikat ang batang 'yan." ani Papa.

"Ano po? SIKAT?" gulat kong tanong.

"Yep, isa siyang sikat na model at actor. " sagot ni Papa na mas kinagulat ko.

Bakit hindi ko siya kilala?

"E, kung sikat po siya. Bakit hindi ko siya kilala?" tanong ko.

"Nanonood ka ba sa t.v.?" ani Papa.

Hays. Siguro nga. Hindi ako mahilig manood sa t.v.

"At isa pa pala, sa University din siya mag-aaral. Magtra-transfer din siya." wika ni Papa.

"Talaga? Ilang taon ka na ba? Anong year ka na?" taong ko. Ayan ha, kinapalan ko na mukha ko.

"I'm 19 and 4th year college." sagot niya.

"Samahan mo rin siya sa school. I-tour mo na rin siya roon dahil hindi niya pa alam ang pasikot-sikot sa University." dagdag pa ni Papa.

"Sige po." sabi ko. Wala ng oras para magpakipot.

"Maiwan ko muna kayo. Mag-usap kayo at nang magkamabutihan." tumatawang wika ni Papa.

Ito talagang si Papa ang bait. Hahaha.

Siya ang unang nagsalita.

"Punta tayo sa Park para mas masarap ang hangin." suggest niya.

"Baka pagkaguluhan ka nila." sabi ko.

"Magdi-disguise ako. Isusuot ko 'yong eye glasses at cap ko." wika niya.

"Ang hirap pa lang maging sikat 'no?" tanong ko.

"Sobra, walang privacy. Lahat kailangan malaman." ani Deiver.

"Ah, Deiver hiramin na lang natin 'yong car ni Papa." suhestiyon ko naman.

"'Wag na. Dala ko naman 'yong akin. At saka isa pa, Deiv na lang ang itawag mo sa akin." sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.

Gentlemen talaga nito hindi katulad ni Rex. Pinagbuksan pa ako ni Deiv ng pinto. So gwapo na mabait pa.

Tahimik lang ako sa kotse. Wala kasi akong maibigay na topic. Ganoon din naman siya. Binuksan niya na lang iyong radyo para hindi awkward.

Pagkadating namin sa Park ay nagsuot na siya ng sumbrero at salamin.

Umupo kami sa malapit sa may puno. May upuan naman doong nakalagay.

"Deiv, bibili lang ako no'ng cotton candy. Dito ka lang. " sabi ko.

"Samahan na kita." tumayo na rin siya at sinamahan akong bumili ng cotton candy.

"Manong dalawa po." sabi niya at inabutan ng bayad.

"Akin po isa lang." sabi ko kay Manong.

"Ito na 'yong sa'yo. Huwag ka nang bumili." inabot niya sa akin 'yong isa at ang isa niya pang binili ay kinakain niya na.

"Akala ko hindi ka nakain ng ganito." wika ko.

"Favorite ko 'to. Ito kasi ang binibigay sa akin ng Dad ko no'ng bata pa ako." aniya.

Naisipan na lang namin na maglakad lakad.

"Totoo bang maraming sikat na hindi namamansin?" tanong ko.

"No, iyan rin ang sinasabi sa akin ng iba na snob daw ako. Hindi lang talaga namin napapansin 'yong iba sa dami ng tao." paliwanag niya.

"Siya nga pala Deiv bakit ka-"

"May Babe ka na pala ngayon?" napatigil ako sa pagsasalita at napalingon sa gilid ng biglang sumulpot kung saan si Rex at kasama niya si Kent at Ace.

"Ha? Anong sinasabi mo riyan? At bakit kayo nandito?" tanong ko. Pake niya ba kung babe ko nga si Deiv?
Wika

"Bumili lang. E ikaw, bakit may kasama kang lalaki at sa gabi pa? Mukhang pinanindigan mo nga 'yong sa condo." ani Rex na kinainis ko.

"Ano bang problema mo?! Kung ang ikinapuputok ng butse ko ay 'yong Nika na 'yon sasabihin ko sa'yo ang nalalaman ko. Nakita ko siya sa Gangster World no'ng meeting. Hindi ko alam kung bakit naroon siya." sabi ko.

"Bakit naman siya mapupunta ro'n?" tanong niya.

"Aba malay ko! Bakit ba lagi mo akong ginagalit? Balikan mo na lang kaya iyang Nika na 'yan at baka sakaling sagutin ka. Ang alam ko may gusto pa nga 'yon sa'yo dahil may tatoo siyang AKIN. Kung gusto mo nga siyang balikan huwag kang mag-alala dahil nasa Shamberg University siya." sabi ko na hindi manlang nagawang huminga. Inaya ko ng umalis si Deiv sa lugar na 'yon. Kahit kailan hindi pumalpak si Rex sa pang-gagalit sa akin.

Kapag ako ang nililigawan niya ay hindi ko siya sasagutin. Iyon ay kung liligawan niya ako. Possible naman iyon 'di ba? Sa ganda kong ito. Humangin na rin yata ako. Grabe kasi ang kahanginan ni Rex naabot hanggang dito.

Anyway ano ba 'yong sinasabi niyang Babe? Hindi kaya Babe ang pakirinig niya sa Deiv?

Baka nga...

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessWhere stories live. Discover now