Kabanata 19

4.3K 96 0
                                    

Kabanata 19
Date

Hindi parin mawala sa isip ko ang narinig sa mismong pamamahay ng mga Caviezel. Hindi na kataka-taka iyon pero hindi ko pa rin matanggap. Maybe because I treated them well.

Mabuti na lang at nalaman ko kaagad ang balak nila. Kung hindi ko nalaman ay magmumukha akong utu-uto sa harapan nilang lahat.

May maganda ring naidulot ang pagpunta namin sa bahay ng mga Caviezel. Tumigil na ang paminilit ni Denice sa mga gusto niyang gawin ko pero bukam-bibig niya pa rin ito.

Nagsabi ako kay papa na rito ako sa condo uuwi. Dito ako mag-i-stay.

It's now clear to me. Ang dating ng mga sinabi niya ay nais nilang pahulugin ang loob ko. That I should fall for Rex? Well, let's see. Mauuna siyang mahulog.

Tumayo ako sa pagkakahiga. For now, resting won't do good for me. I need to move. Linggo kaya't naisip kong baka nariyan ang kapit-bahay ko. Ngumiti ako sa naisip na plano.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin bago lumabas. Mataman kong sinipat ang pintuan ng condo ni Rex. Should I do it now?

I breathe heavily before pushing the door bell.

Seconds later... Wala pa ring lumalabas.

May tao kaya? Bakit ang tagal mag bukas?

I tried to do it again. Mas malakas na ang loob ko dahil mukhang wala ngang tao.

That's it. I'm going back to my condo.

"What is it? Bakit ka nagdo-doorbell? Trip mo lang?" Muntik pa akong tumalon nang sa pagtalikod ko ay saktong bumukas ang pintuan at may nagsalita.

Dahan-dahan akong humarap. Oh well he's there.

"I'm going to church. Sama ka?" What the heck, right. Iyon pa talaga ang naisip kong plano dahil Linggo ngayon. Hindi ako sigurado kung sasama siya pero sana ay kagatin niya ang planong ito.

I smile widely.

Dalawang dahilan kung bakit dapat siyang sumama. Una, para masimulan na ang plano ko at pangalawa, para matanggal ang kademonyohan niya.

Nakatingin lang ito. Mas iisipin kong mas gusto niyang isarado nalang ang pintuan para hindi ako makita.

"Sasama ka ba?" pag-uulit ko. Hindi ako madaling mainis pero pagdating sa lalaking ito ganoon na nga talaga ang epekto niya. Ang sarap ibaon sa lupa.

He smirked, "You sure? Okay." Halos mawalan ako ng hininga ng pumayag ito. Kumuyom ang kamao ko. Pumayag ang mokong. That only means he's serious on his plan too. Mukhang nakuha niya rin itong tiyansa para sa plano niya.

Pilit ang ngiti ko. "Okay, I'll change! Tatawagin nalang ulit kita kapag ayos na ako."

"Sure..." he answered still smirking. Gusto kong punitin ang labi niya sa ginagawa. He knows how to flirt huh!

Tumalikod ako at napairap sa kawalan. Okay, ang mahalaga ay pumayag siyang sumama sa akin.

Hindi ko na pinatagal pa ang pag-aayos ko. Nagbihis lang at agad ring lumabas para sunduin siya. Siya pa talaga itong sinunusundo.

Pinasadahan ko nang mabilis ang suot niya. It's nice... Ayaw ko lang punahin pa.

It's just twelve noon and so we still have time to eat our lunch. I know he won't reject it, baka pa nagdiriwang iyon dahil akala niya ay napapaikot niya ako.

"Sakay tayo sa kotse mo!" suhestiyon ko. Itinago ko ang kung anong ngiting mapang-inis sa labi ko.

"No, ako lang ang sasakay dito." Nahinto ako sa pag-iisip at nagsalubong ang kilay.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon