Kabanata 67

4K 78 4
                                    

Kabanata 67 ~ Anak

Nasa isang room sila nagmeeting. Ito ay isa sa pinaka magandang meeting room na kakasya ang 5,000 katao rito na tila may mini concert.

Ngunit kung tutuusin ay magdadalawang libo lamang naman ang myembro nito.

Planado na namin ang lahat ng gagawin at senyas na lang ang kulang at nagsisimula na ang laban. Nagdala rin ako ng tranquilizer kasi isa na'to sa paborito ko. Bukod sa wala kang mapapatay ay mapapatulog mo pa ang kalaban mo.

Habang nag-uusap ang ama ni Madison ay unti-unti ko ng sinenyasan ang iba.

Hanggang ngayon di ko pa alam pangalan ng tatay ni Madison ang alam ko lang ay ang itsura nito.

Naglabasan na ang iba at doon na nagsimula ang putukan.

Lumabas na rin ako sa kinatataguan ko. Nakita ko sina kuya at nandito rin pala ang mga ka-gang niya ganoon din ang ka-gang ni Rex na sina Harry, Ace, Ckert, at si Kent.

May limang sumugod na kaagad sa akin. Kinuha ko ang katanang hawak ko at hinagis ito sa isa. Ngayon ay baril naman ang kinuha ko at isa-isa silang pinaputukan.

May isa ulit na sumugod sa akin at gusto ko naman na makipaglaban sa kaniya ng walang halong duya kaya tinago ko ang baril ko sa secret pocket ko.

Susuntukin niya ako na madali kong nailagan kaya mabilis ko rin siyang sinipa. Natumba ito at muling tumayo. Tumakbo siya papunta sa gawi ko at naglabas ng panaksak. Ikaw pala ang madaya, a.

Inagaw ko ang hawak niyang katana at pinilipit ang braso niya at bigla na lang siyang natumba.

Nakita kong may dugong lumalabas sa likod nito.

Sinong bumaril dito? Ako dapat ang papatay dito napaka panira naman no'n.

Luminga ang tingin ko sa likod nito and I saw Rex smirking habang nakikipaglaban.

Putaragis ka!

Paubos na ang mga kalaban namin.

Maya-maya pa ay sumulpot sa harapan ko ang ama ni Madison.

"Nice meeting you." sarcastic kong sabi.

"At nagagalak din akong makita ka. Ikaw ang dating Dark Princess, 'di ba?" tanong pa niya.

"Tss, hindi mo na kailangan pang malaman. Tatapusin na kita." mariin kong sabi.

Kinuha ko ang katana sa may boots ko at tinira ito papunta sa kaniya. Nakailag siya...

Hinagisan ako ng isa sa gangster sa Italy ng isang baril.

Ipinutok ko ito sa ama ni Madison pero magaling siya sa pag-ilag.

Naglabas rin siya ng isang baril at pinaputok sa gawi ko pero inilagan ko lang ang lahat ng iyon. Inagaw ko ang baril sa kaniya habang hawak ko pa rin ang isang baril. Nahirapan ako sa una pero nalaglag niya ito kaya ipinilipit ko ang braso niya pabaliktad. Bali nasa likod niya na ako. Hawak ko na ang magkabila niyang kamay na animo'y isang preso.

I saw Dad walking towards us.

Paano napunta rito si Dad? Paano niya nalaman na may gulo na rito?

May hawak siyang baril at pinaputukan si Mr. Ama ni Madison sa dibdib.

Bigla na lang bumigat ito dahil patumba na. Mabilis kong binitawan ang ama ni Madison na ngayon ay wala ng buhay.

"Magbabayad kayo!" Napatingin ako sa likod ko ng may sumigaw. Then I thought mamamatay na ako dahil sa hawak na baril ni Madison na galit na galit but...

Binaril siya.

"Papa." I said.

Lumapit si Papa sa amin ni Dad at masama ang tingin niya kay Dad.

Kahit alam ko na nagsinungaling siya at hindi niya ako tinuring na anak ay mahal ko pa rin siya dahil ilang taon ko siyang nakasama.

"Give me back my daughter." May awtoridad na sabi ni Papa.

"Dati ang asawa ko ngayon pati anak ko ay gusto mong mapasayo?" galit na rin na ani ni Dad kahit hindi siya nasigaw.

"Dati 'yon pero please hija bumalik ka na sa Papa. Tinuring kita bilang tunay na anak kahit na hindi iyon ang intensyon ko no'ng una." ani ni Papa na nagmamakaawa sa ain at hindi ko mapigilan ang umiyak.

"Hindi ko ibibigay sa'yo ang anak ko." ani Papa.

"Anak, kaya lang naman ako nakipagtulungan kay Raiden dahil gusto kong nakipagtulungan para mapabagsak ang pamilya mo. Ako ang ama mo at hindi ka dapat nila kinukuha sa akin. Anak, sumama ka na sa akin at ititigil ko na ang gulo." sabi ni Papa na naiyak na rin.

Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya pero hindi ko kaya na malayo sa tunay kong pamilya. Ayokong pareho ko silang mawala.

"A-alam niyo naman po na mahal ko kayo dahil nakasama ko kayo ng matagal na panahon pero tanggapin na lang po natin na sila ang tunay kong pamilya at napamahal na rin po sila sa akin." sabi ko habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa mata ko.

"Hin-hindi ko po kaya na pareho kayong mawala sa akin. Pwede naman na dumalaw kayo sa bahay." nakangiti kong sabi.

"Hindi! Ayoko ng may kaagaw sa atensyon ng anak ko. Caviezel, ibigay mo sa akin ang anak ko." ani Papa.

"Huwag kang magsalita na parang ikaw ang nawalan. Baka nakakalimutan mo na kinuha mo ang anak ko para kalabanin kami!" alam kong galit na galit na talaga si Dad.

"Kung gano'n. Uubusin ko na kayo!" nagulat na lang ako ng sinenyasan ni Emmiel ang mga kasamahan niya at nagsimula ulit ang madugong labanan.

Please, tama na ayokong may masaktan pa at mamatay ng dahil sa problema namin.

"Stop! Sasama na po ako." sabi ko.

Tumigil ang lahat at gulat na gulat sa sinabi ko habang malawak ang ngiti ni Papa sa akin.

"Magandang desisyon ang napili mo, hija. " wika ni Papa at ibinuka ang mga bisig upang salubungin ko siya ng yakap. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"I miss you, papa." I said while sobbing.

"I miss you too, hija."

"But I'm really sorry." sabi ko at kinuha ang tranquilizer sa secret pocket ko at itinusok ito sa leeg niya.

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Papa hanggang sa makatulog na siya.

Ayoko na ng gulo kaya nagawa ko 'to.

Sorry.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon