Kabanata 57

3.4K 71 3
                                    

Kabanata 57 ~ Cursed

Payapa ang buong kapaligiran, parang wala ng problema na darating.

"Tara na kailangan na nating umalis. May mahalaga raw tayong pag-uusapan." ani Rex at pinasakay na ako sa kotse niya. Binisita namin sina Lola Denny at Lolo Greg. Maayos naman sila kahit nangungulila sa apo nila. Pinagbuksan ako ni Rex ng pintuan ng nasa Gangster World na kami.

Unang hakbang ko palang ay may balita na agad akong nasagap.

"Ang tunay na Dark Princess ay dumating na." Sino? Ako ba 'yon?

Hindi ko nalang pinansin ang usap-usapan nila tungkol sa akin.

Binuksan ko na ang pinto ng silid kung saan gaganapin ang pulong. Marami ng tao mukhang kami nalang ang hinihintay. Hindi na ako naka-mask.

Tumayo ang lahat maliban kay kuya at nagbigay galang sa amin.

"Anong pag-uusapan?" tanong ko ng nakakunot ang noo kay kuya Zein.

"It's about the Dark Princess. " ani kuya.

"Ano bang meron sa'kin?!" iritable kong tanong.

"Hindi ho sa inyo. Kundi sa tunay na Dark Princess." napatayo ako bigla sa sinabi ng isa sa nakatataas sa gangster world.

"Ano?! Akala ko ba ako ang unang Dark Princess?!" inis kong bigkas. Nagsinungaling sila!

"Calm down." wika ni Rex sa mahinahong tinig.

Umupo akong muli at kinalma ang sarili ko.

"Ikaw nga ang unang Dark Princess pero hindi ikaw ang tunay na dapat magiging Dark Princess." wika ni kuya Zein.

Sinamaan ko siya ng tingin. So? Hindi ba ako karapat dapat sa posisyon na ito?

"Kung gano'n bakit hindi niyo sinabi sa akin? Noong simula pa lang ay may dapat na palang maging Dark Princess. Nasan siya? Bakit ngayon lang siya bumalik?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Hindi po siya nakabalik dahil nagkaroon siya ng sakit, cancer. Dinala siya sa ibang bansa. Akala namin hindi na siya makakabalik pero bumalik siya. " ani ng isang babae.

"Anong gagagawin natin? Tatanggalin niyo ba ako?" seryoso kong tanong.

"Hindi pa natin alam." ani kuya.

Marami pang napag-usapan na tungkol sa Dark Princess. Nauna akong lumabas ng matapos ang pagpupulong.

"Nakakainis." mahina kong bulong. Maya-maya pa ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

"Ayos lang 'yan. Wala namang mangyayaring masama 'di ba?" ani Rex.

Tumango na lang ako.

"Oops... Sorry po." ani ng isang magandang babae na dadaan dapat sa pagitan namin. Hindi niya siguro sinasadya, 'di naman kasi siya nakatingin.

"Hindi okay lang po." sabi ko.

Tuluyan na siyang umalis.

**


Kahapon,  pagkatapos ng pagpupulong ay may tumawag sa amin na magkakaroon daw ng party sa gangster world. Why? Dahil sa Dark Princess I as in the first at ako? II?

Magpapakitang muli. Hays, ano kayang mangyayari? Sayang naman ang pinaghirapan ko para sa ganitong posisyon. Mali siguro ang tanggalin nila ako ng basta-basta. Paano kaya siya napiling Dark Princess? Malaki kaya ang sakop nila sa Gangster World?

Nakasuot ako ng isang silver fit gown. Formal attire ika nga.

Hindi raw ako masusundo ni Rex may pinuntahan pa raw sila nina Ckert. Nandiyan naman si kuya kaya siya ang kasabay ko.

"Princess, tara na." aya na ni kuya sa akin.

"Tara." tugon ko at sumunod na sa kaniya sa kotse ni Dad. Kay Dad ang gagamitin namin kasi nagsasawa na si kuya sa kotse niya. Pinagsawaan? Eng-eng talaga 'yon.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan at nakatitig sa labas. Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng Gangster World na 20x na mas malawak sa isang highschool university.

Bumaba na ako at ka-partner ko si kuya sa pagpasok.

Nakatingin ang halos lahat sa amin. Syempre ganda ko kaya. Naku, kumapal na naman mukha ko.

"Dark King and ah..Freyazia, doon po kayo sa unahan naiatas na umupo." bigla akong nainis sa sinabi no'ng lalaki.

Nagdadalawang isip ba siya kung tatawagin ako'ng Dark Princess? Just what the H?!

Hindi ko na lang pinasin si kuya guard at sinundan na lang si kuya Zein patungo sa unahang seat. Nasan kaya sina Rex?

Maraming kumakausap sa akin na feeling close. Tapos kapag hindi na ako nakaharap sa kanila ay grabe kung magchismisan tungkol sa Dark Princess. Hindi na sila bumubulong, halos mabingi na nga ako sa boses nila.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa pouch at tinawagan si Rex.

"R.A. nasan na kayo? Magsisimula na 'ata wala pa kayo." mahina kong sabi at tumayo para lumayo sa maraming tao.

Naririnig ko ang ingay nina Ace sa kabilang linya. Naka-loud speaker yata.

("Sorry, where not yet done here.")

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko.

("Mr. Valle pinapatawag po kayo ni Lady Madison" "Shut the fvck up!")

Bigla akong nagulat sa narinig ko.

Who's Lady Madison? At bakit siya pinapatawag?

"Who's Madison?" seryoso kong saad.

("Bella, She is... She's the Da-"  "Boss tawag ka raw ni Dark Princess."  "Ckert,  tumahimik ka nga kausap ni Rex si Maribella.") natahimik ako sa narinig ko. Dark Princess.

'Wag ko raw problemahin ha. Tsk.

("I will tell—")

I ended the call.

Bwiset! Argh! Nakakabadtrip! 'Yon ba 'yong importanteng pupuntahan nila?

Bumalik na akong muli sa upuan ko.

Hanggang sa magsimula na ang party kuno.

"Enjoy the party and for the first time, later, we will meet our Long Lost Dark Princess!" ani Emcee at nagsihiyawan ang lahat.

Napatayo naman ako sa gulat pero mabilis ding umupo.

Ano 'yon?! Gano'n-gano'n nalang  ba 'yon sa kanila?! Ako ang Dark Princess dito at lumalabas na ako pa ang kontrabida sa matagal na nawalang Dark Princess.

Wala pa si kuya sa kapalapit ko kaya walang magpapakalma sa akin. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko at ipakita na hindi ako nasasaktam sa desisyon nila.

Alam kaya ito ni Dad? Hindi niya pa siguro alam ang tungkol dito.

Ipapakita ko sa kanila na hindi ako ang nawalan kun'di sila. Ang dami kong naitulong bilang isang Dark Princess sa Gangster World pero baliwala ang lahat sa kanila. Tingnan natin kung sino ang magsisisi sa huli.

Walang emosyon ang lumalabas sa mukha ko habang hinihintay ang lahat ng mangyayari.

Ilang oras ang makalipas ay muling dumating ang emcee at muli itong nagsalita .

"Narito na ang ating Dark Princess kasama ang pinaka-especial na lalaki sa buhay niya. Let's all welcome,  LADY MADISON ABNER!"

Tinitigan ko ng mabuti ang lalabasan ng Madi-MADISON?! Ay,  siya nga pala 'yong kaninang nabanggit ni Ckert.

Nabitawan ko ang pouch na hawak ko.

"Small world." I said with my worst face expression that you don't wanna see.

Cold.

"Good Evening guys, I'm Madison Abner and I'm glad to see all of you. Anyway I want you to meet my fiancee. Our Dark Prince, Rex Andrei Valle."

Tears starting to fall... Liars go to hell.

"Die." I cursed and start walking to leave.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon