Kabanata 16

4.4K 95 2
                                    

Kabanata 16
Sick

Noong una, ayaw pumayag ni Rex pero nang tumagal hindi ko alam kung bakit biglang bumait. Tss, moody guy.

Tig-iisa sila ng nililinis na banyo. Hiwa-hiwalay iyon kaya isa lang talaga ang puwede kong mapanood ng ayos. Kung tutuusin ay puwede na akong umalis pero alam kong maloko sila. What if they didn't clean it? Baka bumungad nalang sa akin bukas na madumi pa rin ang mga ito. Paniguradong ipapahiya ako ni ma'am Saldivar.

This time, I am here watching Rex.

"Can you still do it? Ayos ka pa ba?" Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa dahil halatang iritado ito. Pansin ko rin na parang pagod at hinihingal ito. Is it really hard to clean a bathroom?

"Oo. Get me some water. Pinaglinis ako nang walang kaalam-alam, tsk," he commanded. Napairap man ako pero ano ba naman iyong ikuha siya ng tubig. I am not heartless.

"Fine, nakakaawa ka na e." Wala akong narinig na sagot dito. Nagpatuloy lang ito.

Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng malamig na tubig. Binilhan ko na silang lahat dahil sila ang sumagip sa paglilinis ko.

I first gave the four their water before finally going to Rex.

"Oh ito na po ang tubig mo," pagkunwari ay inis kong sabi.

"Thank you." I stiffened. Paano ba naman ay himala at nagpasalamat siya...

Kinuha niya ang water bottle at ininom iyon sa harapan ko. He's sweating! Basang-basa ang buong uniform niya.

Nang iabot niya ang tubig ay napayakap ito sa akin. Holy cow! Rex! You idiot! Bastard!

"Yuck! Ang dumi mo at ang baho ng pawis mo!" reklamo ko. Fine, he smells good. Kahit naglinis ay mabango. Kaagad kong inalis ang pagpuri rito. Still he's wet!

"Ho-hoy! Rex! Rex..." He didn't move. Hindi ko alam kung trip niya lang ba iyon o ano. Alam kong nabasa na rin ang uniporme ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay nakuriyente ako sa paglapat ng noo niya sa leeg ko.

Sa taranta ay hinawakan ko ang noo nito para itulak. Ganoon nalang ang gulat ko nang mapag-alamang inaapoy siya ng lagnat. I didn't notice it earlier. Kanina pa ba masama ang pakiramdam niya? Noong nasa condo niya ba ay ganito na? But it looks like he's fine earlier.

"Rex, ang bigat mo maawa ka!"

"Hm..."

Okay I need to calm.

Hiwa-hiwalay ang pinaglilinisan nilang building kaya hindi ko sila matatawag. Maggagabi na rin kaya bihira ang mga estudyante.

Iisa na lang ang alam kong gawin. Iyon ay ang alalayan siya hanggang sa makalabas ng gate at sumakay sa taxi. Should I bring him home to his condo? He's almost done cleaning.

Why am I even helping him? Insulto pa naman ang lagi kong napapala sa kaniya. Napasapo nalang ako sa noo. I don't have a choice.

Iyon na nga ang ginawa ko. Ilang mura at tampal ang ibinigay ko sa kaniya. Daig pa ang lasing!

Kung hindi lang kami magkapitbahay malamang ay iniwan ko siya ng tuluyan sa banyo.

"Your key!"

"Hm... pocket..." konti nalang iniisipin kong pinagtitripan niya ako. Kung hindi ko lang nahawakan ang noo niya.

"Get it!" uto ko rito. He didn't move, nanatili itong nakasandal sa akin. Mukhang hindi biro ang taas ng lagnat niya. 'Cause knowing fever, maayos ka paring makakalakad at makakapag-isip kung hindi iyon sobrang taas. Did the cleaning trigger his fever?

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessWhere stories live. Discover now