Kabanata 66

3.9K 77 3
                                    

Kabanata 66 ~ Papa

Nandito na ako ngayon sa meeting room sa GW.

Hinihintay na lang namin sina Kuya Zein at Rex. Naka-mask pa rin ako.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" magalang na pakikitungo ng isa sa akin.

"Hintayin natin si King caliginous and Prince Caliginous" sabi ko. Mukhang sila kuya na nga iyon dahil ang dalawang iyon na lang ang kulang at hindi ko pa nakikita ang pagmumukha nila.

Kilala naman siguro nila sina kuya dahil ang alam ko ay sumikat agad sila dahil sa galing nila.

Hay, ang bagal talaga kumilos ng dalawang 'yon. Lagi naman 'yon sila pa V.I.P sa meeting.

Biglang bumukas na ang pinto kaya nagsituwiran na sila ng upo. Umupo na rin sina kuya at Rex sa tapat ko. Isang mahabang lamesa kasi ito. Silang dalawa ang nasa harap ko dahil may pagkamalapad ang lamesa habang ang ibang leader ay nasa gilid.

"Ano bang sasabihin mo?" ani kuya na masama ang tingin sa akin. Suot ko pa rin ang alahas. Baka magalit na sa akin si ateng Italyana at multuhin ako. Hahaha!

"May gusto akong tulungan at magagawa ko lang 'yon kung tutulong din kayo." sabi ko at tumango ang iba bilang pagsang-ayon.

"Tulong? Hindi naman porke ikaw ang nanalo ay uutos-utusan mo na lang kami." Bitter talaga nitong si Rex. Sila na nga ang tutulungan, e.

"Bilang isang pinuno ay nararapat  lang na sundin niyo ako." tumango ulit ang iba at masama pa rin ang mga tinging iginagawad nina kuya sa akin.

"Anong klaseng tulong po ba?" tanong ng isang leader sa gilid ko.

"Nalaman kong kailangan nila ng tulong mula sa ating lahat upang kalabanin ang Gangster World na gustong sumira sa kanila. At dahil marami ang mga kalaban nila ay kailangan rin nila ng ganitong karaming tutulong. Alam kong kaya natin 'to." excited ang lahat sa sinabi ko pwera na lang sa dalawa na nakakunot na ang noo. Mukhang naisip nila na kapareho nila ng sitwasyon ang tinutukoy ko.

"Sino ho ba ang nangangailangan ng tulong natin?" tanong ng ng lalaking maskulado.

"Sila." sabay turo ko kina kuya. Nakita ko ang gulat sa mukha nila at mukhang hindi nila ito ine-expect.

Napatayo na lang si kuya at sinigawan ako.

"Bakit mo nalaman 'yon?! Sino ka ba talaga?!"

Okay? Walang manners 'tong si kuya. Kapag hindi ako ang sinigawan niya malamang ay magagalit na 'yon at hindi na sila tutulungan.

"Kailangan niyo pa bang malaman?" tanong ko at sabay-sabay silang lahat na um-oo.

Mukhang interesado ang lahat kung sino ako.

Maybe it's time to show my real identity.

Tumayo ako habang nananatiling nakatayo si Kuya Zein.

I slowly remove my mask.

"Nice talking to you King Caliginous and Prince Caliginous." nakangisi kong sabi. Parang katulad lang ito ng nangyari dati no'ng ako ang Dark Princess.

"Oh, shit." rinig kong bulalas ni Rex maging ang paulit-ulit na mahinang pagmumura rin ni kuya Zein sa gulat. Bwahahaha! Successful ang ginawa kong paggulat sa kanila habang na-weirdohan ang iba sa kinikilos nilang dalawa.

"Princess, paano'ng ikaw?" tanong ni kuya Zein.

"Well, nandoon naman talaga ako no'ng araw ng laban pero ako 'yong nakalaban niyo. Hiniram ko lang 'tong mga kwintas at maskara nong Italyana para hindi niyo makitang pamilyar ang suot ko." paliwanag ko.

"How about the tranquilizer?" tanong ni Rex.

"It's also from that Italyana na timaan nong lalaki ng bala ng baril." sabi ko.

"Shit, I'm really sorry." paumanhin ni Rex na halata ang pag-aalala.

Pinaliwanag namin sa kanila ang lahat. Para maintindihan nila pati na rin kung paano namin kakalabanin ang buong Gangster na pinamumunuan nina Madison at ng Ama nito.

Napagdesisyunan ng Gangster World sa kabila na sugurin at kalabanin na kami upang mas maging makapangyarihan. Ito ang impormasyon na nakuha ni Rex dahil sa pagpapanggap niyang kampi siya sa mga ito.

Syempre, hindi kami papatalo kaya uunahan na namin sila. Pupunta kami ng Pilipinas upang ubusin na ang lahat ng gangster na nilamon ng masamang pag-iisip.

Sa isang linggo na ang laban at lahat kami ay naghahanda na ng mga gagamitin. Marami na ang gumagawa ng bomba. Iba't ibang klase, may pangpatulog, pampahilo, may mga delikado at marami pang iba.

Hanggang sa dumating ang araw na ito.

"Handa ka na?" tanong sa akin ni Rex na kalapit ko ngayon sa private airplane. Napakarami namin kaya hiwalay ang eroplanong sinasakyan namin.

Magkalapit kami ni Rex sa upuan habang si kuya ay natutulog sa kabilang upuan. Tatlo lang kami kaya napakarami pang bakante rito.

Tumango lang ako bilang sagot. Halos lumabas ang puso ko sa gulat at kilig ng hawakan nito ang kamay ko ng mahigpit.

"Mag-ingat ka mamaya. Ayoko pang mabyudo ng maaga." sabi niya habang mahinang tumatawa pero alam kong seryoso siya.

"Bakit naman? Hindi naman kita asawa? " tanong ko.

"It's still the same, cause I won't love another girl if it's not you." I just cant help but too smile wide.

"You're blushing." he said teasing me.

"Shut up! You Ugly!" sabi ko habang tumatawa.

Tahimik na kami buong byahe at nagpahinga lang kami sa isang bagong 5 star hotel.

Na halos kami ang pumuno.

Pagdating ng alasais ay nagbihis na ang lahat at hinanda na ang mga kagamitan.

May meeting kasi ang Gangster World. Talagang inangkin na ng ama ni Madison ang buong GW sa Pilipinas at hindi ko alam kung ano na rin ang kalagayan ni Dad.

Balita ko ay pinaalis na siya ni kuya bilang isang emperor dahil nanganganib ang buhay niya at gagawin siyang pain kay kuya.

Nakahanda na ako sa laban. Sumakay kaming tatlo sa kotse ni Rex at bumaba ng medyo may kalayuan sa GW dito.

Halos ang lahat ay nandito na. Maraming pumapasok sa loob. Hindi ko alam kung paano nauuto ng ama ni Madison ang ganitong karaming tao gayong bumagsak ang kumpanya nila noon at kakaunti ang natira sa kanilang ari-arian. Feeling ko nga may tumutulong sa kanila.

Nakatago ang iba naming kasamahan habang ang iba ay nakikisabay sa pagpasok sa loob. Hindi na nila kinakailangan ng card para makapasok. Kaya madali lang ito para sa amin. Nauna na si kuya sa pagpasok ng pasimple. Siguradong kakalabanin siya ng makakakita sa kaniya.

Dahan-dahan akong sumunod kay kuya. Kakaiba maghiganti ang isang 'yon. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang isang pamilyar na tao.

P-papa?

Tatakbo sana ako para sundan siya ng may humila sa akin.

"Be safe." ani Rex habang ramdam ko ang mainit niyang labi na lumapat sa labi ko.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon