Chapter 2

1.1M 30.1K 6.5K
                                    

Interview


"May free Wi-Fi po ba dito sa shop niyo?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Alyanna. "Kailangan ko kasing i-update 'yong facebook ko kung anong ginagawa ko. Kapag kakain ako, kapag iinom at kapag mag se-selfie ako." That's it. Hindi siya pwede dito.

"May free Wi-Fi naman dito," sagot ko. Meron pero hindi mo iyon magagamit dahil para lang 'yon sa customers at kung gagamit man kaming mga empleyado dito ng Wi-Fi hindi madalas. "Tatawagan ka na lang namin." Kalmado kong sabi.

Sumama 'yong tingin niya sakin. "Tatawagan? Ilang beses ko nang narinig yan. Sabihin niyo na lang kung ayaw niyo akong tanggapin dito." Pagtataray niya.

Magsasalita pa lang ako pero biglang nagsalita si Alyanna. "Oo hindi ka tanggap dito. Alam mo kung bakit? Kasi sobrang arte mo. Baka pati paghugas ng mga plato hindi mo magawa. At helper ang trabaho mo dito hindi ang mag update ng facebook mo. Ayan okay na?" Wow, ang fierce. Pinipigilan kong matawa kay Alyanna. "Sige na makakaalis ka na." Hindi nakapagsalita 'yong girl at umalis na lang din siya. May ganitong side pala si Aly, nakakatuwa.

Pumakpak ako habang tumatawa. "Ang galing non, ha?"

"Sorry friend, hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. Nakakainis naman kasi siya eh." Hinawi niya 'yong buhok niya, sign na stressed siya. "Pang lima na natin 'yon, sana naman 'yong susunod maayos na." Malapit na mag hapon at wala pa din kaming nakukuhang helper ng shop. Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Sabi ni pogi gusto niyang mag apply dito. Bakit hindi na lag siya ang kunin natin?" 'Yong mga ngiti niya halatang nang aasar. "Kapag naging waiter siya dito nako, ang daming kakain dito."

"Hindi siya bagay dito." Sagot ko. "Over qualified siya sa shop natin. Isa pa alam kong malayo ang mararating ni Dwayne bilang editor. Matagal na niyang pangarap 'yon eh." Actually pangarap namin pareho 'yon pero mas minahal ko lang ang pag ba-bake. Nakatingin pa din sa akin si Aly at sobrang lapad ng ngiti niya. "Oh, bakit ganyan ka makatingin ha?"

"Kung makapagsalita ka kasi tungkol kay Dwayne parang kilalang kilala mo na siya na pati pangarap niya alam mo." Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ano na namang iniisip niya? "Sabagay, may past nga pala kayo. Minahal mo siya dati, hindi ba?"

Oo, minahal ko siya pero tapos na 'yon eh. Wala na akong nararamdaman pa para kay Dwayne. "Past is past, okay?"

"Wow, coming from you talaga teh?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi siya sakin. "Past is past, noh? Kaya pala stuck pa din siya sa ex-boyfriend mo? Nako Keila, move on din pag may time." Hinawi na naman niya 'yong buhok niya. Sige na nga panalo na siya.

"Kean is an exemption to the rule. Hindi naman simple 'yong nangyari samin."

Tinignan ako ni Aly na mat face na "Are you serious?" Alam ko nuon pa man, ayaw na niya kay Kean. "Isipin mo nga 'to friend, mahal ka pa din ba ni Kean? Malinaw naman na kinalimutan ka na niya at mahal na niya 'yong half sister mo."

"Hindi naman porket wala na siya sa buhay mo, mawawala na din siya sa puso mo."

Humarap sakin si Aly at tinitigan niya ako. Ang tagal niyang nakatingin sakin. Parang ang lalim ng iniisip niya. "Alam mo na i-stressed na talaga ako sayo, friend. Kung mahal mo pa din si Kean okay sige fine pero bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo kay Kean? Sabihin mo lahat ng nangyari para tapos na 'tong lahat. Hindi yang iyak ka ng iyak dyan."

"Naisip ko na yan kagabi. Naisip ko nang sabihin kay Kean ang lahat pero na realized ko na wala na din namang magagawa kung sabihin ko pa sakanya 'yon dahil na realized ko din na mas mahirapan lang siya. Hindi pa din naman kami pwede dahil may kontrata pa din siya sa Polaris at kapag sinuway niya ang nakalagay don, makukulong siya at ayokong mangyari 'yon. Kailangan ko na lang din sigurong tanggapin na hindi talaga kami pwede." pinilit kong ngumiti. Ayoko nang umiyak, eh. Pagod na din ako. Pakiramdam naubos na lahat ng luha ko. "From now on, I'll move forward." confident kong sabi. Kahapon ko pa 'to naiisip, eh at tingin ko panahon na talaga para gawin ko din ang ginawa ni Kean, ang kalimutan ang lahat ng nangyari samin.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon