Chapter 22

715K 21.8K 14.8K
                                    

Change of mind


Pagkababa ko ng kusina nakita ko si Mama na nagluluto ng breakfast namin. Hindi maalis sa isip ko 'yong pag-uusap nila ni Papa at 'yong mga sinabi sakin ni Dana. Kakausapin ko ha siya tungkol don o hindi na? Nagtatalo pa din 'yong isip ko kung ano bang dapat kong gawin.

"Anak, ang aga mo ata magising." Nilagay niya 'yong egg at bacon sa plate. Ang bango, nagutom ako bigla. "Kakatapos ko lang magluto, halika at kumain ka na."

Umupo ako sa tabi niya. Kumuha ako ng sariling plate at kumain. Kada kain ko, naiisip ko pa din kung kakausapin ko na ba si Mama tungkol kay Papa o hindi.

"Keila, may problema ba? Parang wala ka sa sarili mo," 'yon na 'yong cue ko para itanong sakanya ang kanina ko pa gustong itanong. "Anong problema, anak?"

Tinginan ko si Mama, may pag-aalala sa mukha niya pero tinatago niya 'yon kaya sinusubukan pa din niyang ngumiti sakin.

Tinginan ko si Mama, may pag-aalala sa mukha niya pero tinatago niya 'yon kaya sinusubukan pa din niyang ngumiti sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Hindi madali na itanong 'to sakanya pero kailangan kong malaman. "Nakausap ko si Dana kahapon at sabi niya gusto ba daw makipag divorce ni Papa kay Miss Danica. May alam ka ba don, Mama?"

Natigilan si Mama. Parang hindi siya magalaw sa kinakaupuan niya.

"May hindi ka ba sinasabi sakin, Mama?"

Tinignan niya ako at sa mga tingin niya pa lang alam kong meron siyang hindi sinasabi sakin. "Wala anak, hindi ko din alam kung bakit. Wag kang mag-alala kakausapin ko ang Papa mo."

Hindi ko maiwasan mainis. May alam siya, narinig ko silang nag-uusap ni Papa. Bakit kailangan niyang itago sakin ang lahat? Ano bang meron sakanila ni Papa?

Kinalma ko ang sarili ko. Malaki na si Mama at alam na niya ang ginagawa niya. Siguro pagkakatiwalaan ko na lang siya sa mga desisyon niya.

"Alam ko kung anong pakiramdam na lumaki sa isang broken family kaya ayokong mangyari din 'yon sa kapatid ko. Kakausapin ko din si Papa tungkol dito." Sagot ko. Sana lang hindi si Mama ang dahilan ng pag-hihiwalay nila. "Mama, pwede bang isama sa labahan 'tong panyo na 'to?"

"KM? Kay Kean ba 'to anak?"

Natigilan ako. Kay Kean? Paano naging kay Kean 'yong panyo? "May nag abot lang niyan sakin kahapon. Hindi ko kilala kung sino."

"Talaga? Pamilyar kasi sakin 'tong panyo. Isa pa initials ni Kean ang nandito kaya akala ko sakanya."

Inalala ko 'yong pangyayari kahapon sa ice cream shop. 'Yong nagbigay sakin ng panyo.. posible ngang si Kean 'yon.

Umiling ako. Hindi siya 'yon. Busy siya sa shooting at isa pa, wala na siyang pakialam pa sakin. Nagkataon lang siguro na KM din ang initials ng totoong may-ari ng panyo.

"Magkikita pala kami ngayon ni Dwayne, aalis na din ako pagkatapos nito." Paalam ko kay Mama.

"Kamusta pala ang interview anak?"

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon