Chapter 8

773K 24.8K 2.8K
                                    

Pinky promise


"Good Morning Master babe." Bati ni Dwayne. May dala dala siyang bulaklak at isang jar ng brownies. "Para sayo oh." Inabot ko 'yong dala dala niya pagkatapos sabay kaming umupo. Ang laki ng ngiti sa mukha niya. "Oo nga pala pumayag na si grandma na ilagay sa menu mo 'yong brownies niya."

"Talaga? paki sabi na sa lola mo salamat. Dahil dyan palagi ko na siyang bibigyan ng cakes sa cafe." Ngumiti ako pero pakiramdam ko nagmukhang pilit 'yon. Masaya naman ako sa sinabi ni Dwayne, eh kaso wala pa din ako sa sarili ko hanggang ngayon dahil sa nalaman ko kagabi. "Thank you din sayo, Dwayne." Ngumiti ulit ako. Sinubukan ko talaga na hindi maging pilit 'yon pero nahalata din ata ni Dwayne.

"Ayos ka lang ba? Kagabi ka pa wala sa sarili mo. May problema ba?" Napaatras ako kaso bigla na lang niyang hinawakan 'yong noo ko. "Wala ka naman lagnat."

"Ayos lang ako, uhm.. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon." Hindi ako makatingin sakanya. Hindi ko din alam nung bakit pero siguro dahil hindi ko masabi sakanya 'yong nalaman ko kagabi. Gusto ko muna kasing makausap si Kean bago ko sabihin kay Dwayne ang lahat. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Aayain sana kita sa amusement park pero kung hindi naman maganda 'yong pakiramdam mo magpahinga ka na lang dito." Nawala na lang bigla 'yong saya sa mukha niya. Bigla anong na-guilty. Ang totoo hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko at balak kong puntahan ngayon si Kean. "Kainin mo 'yong brownies ha? Dalawa kami ni lola na gumawa niyan para sayo." Napatitig na lang ako kay Dwayne. Bakit ba kasi ang bait bait niya?

"Sorry, hindi ko alam na aayin mo pala ako ngayon." Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti siya sakin although alam ko na medyo disappointed siya. Nalulungkot tuloy ako at nagdadalawang isip kung sasama na lang ba ako sakanya o hindi. "Sorry talaga Dwayne."

"Madami pa naman next time para don. Mas mahalaga makapagpahinga ka. Sige na, una na ako."

Hinatid ko na lang si Dwayne palabas. Pagpasok ko sa loob, nilagay ko sa vase 'yong bulaklak na binigay niya. Malapit na magmukhang garden 'yong kwarto ko dahil sa dami nang bulaklak na binigay ni Dwayne. Napatitig ako sa mga 'yon. Bigla na lang may guilt na bumalot sakin. Ayokong ipagtabuyan palayo si Dwayne pero ayoko din naman na umasa siya sakin dahil sa ngayon, hindi ko pa kayang ibigay sakanya 'yong pagmamahal na binibigay niya sakin. Ayoko siyang masaktan. Hindi niya deserve ang masaktan.

Siguro itong guilt na 'to 'yong dahilan kung bakit kusa na lang akong tumanggi kanina maliban sa unang rason na meron ako.

Gusto kong makausap si Kean. Hindi para sakin kung hindi para kay Mommy Karen. Kailangan niyang malaman ang totoo.

Nagbihis agad ako. Nagpaalam ako kay Mama pero pagdating ko sa sala hinarang ako ni Cloud. "Sarado ang cafe mo, saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uhm.. sa mall." Tinignan lang niya ako with "Seriously!" face. At that point, alam kong alam ni Cloud na nagsisinungaling ako. Hindi ako magaling magtago lalo na sakanya. "Okay fine, pupuntahan ko si Kean."

"What? Si Kean?" Nagsasalubong na naman 'yomg dalawa niyang kilay. "Akala ko ba nakapag move-on ka na sakanya?"

"It has nothing to do with me, Cloud. Para 'to sa nanay niya." Kumunot bigla 'yong noo niya. "Apparently, nanay pala ni Kean 'yong bagong staff sa cafe ko. Well hindi pa talaga ako siguradong sigurado pero kasi malakas ang kutob ko na siya nga 'yon."

"Ang sabi ni Kean, patay na ang nanay niya."

Nagulat ako sa sinabi ni Cloud. Sinabi ba talaga 'yon ni Kean? 'Yon ba talaga ang alam niya o baka 'yon na lang 'yong inisip niya since may galit siya sa nanay niya? Hindi naman kasi siya nag o-open up sakin about sa nanay niya at nahihiya din akong itanong sakanya ang tungkol don dahil baka ayaw niyang pag-usapan ang tungkol don. Mas lalo ko tuloy siyang gustong makausap.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon