Chapter 16

749K 22.9K 5.5K
                                    

Visitor

"Sinusundo ka na ni Dwayne," natigilan kami ni Mama sa pinag-uusapan namin. "Okay na naman kayo?" Medyo may pagka-irita sa boses ni Cloud.

"Well, napag-isipan ko na bigyan ulit siya ng chance." Kumunot 'yong noo ni Cloud pero si Mama nakangiti. "We can talk about that later Cloud, ayokong pag-hintayin si Dwayne sa labas."

Kinuha ko agad 'yong gamit ko pagkatapos pumunta na ako sa labas. Nakasandal sa black audi niya si Dwayne at nakatingin siya sakin habang papalapit ako sakanya. "Good Morning, beautiful."

"Good Morning, handsome Dee."

"Kamusta 'yong tulog mo?" Pinagbuksan pa niya ako ng pinto pati seatbelt ko inayos niya ma din. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang naman, nag-aalala pa din ako kay Hailey," tinignan ko kung may text sakin si Tito Ken pero wala naman. Sabi ko kasi kapag kailangan ako ni Hailey don, mag-text or tumawag lang sila sakin. "Sana maging okay na siya. Isang linggo na lang, pasko na." Hinawakan ni Dwayne 'yong kamay ko.

"She's going to be fine. Mamaya puntahan ulit natin siya, okay? Wag ka na masyadong mag-alala."

"Thank you Dwayne."

Hinatid ako ni Dwayne papuntang cafe at habang nasa byahe kami, nai-kwento ko na sakanya 'yong tungkol sa kumakalat na post ngayon. Napahawak pa siya ng mahigpit sa manibela dahil sa narinig niya. Alam kong galit siya kaya nga ayokong sabihin 'to sakanya kagabi kasi alam kong magagalit siya.

"I'll take care of it, Keila. I'll talk to our lawyer later, okay?"

Pababa na sana ako ng kotse pero may isang kotse na dumating tapos may tatlong tao na pumasok sa shop. Pare-pareho sila ng damit at kung hindi ako nagkakamali, mukhang health inspector silang tatlo. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Sasama ako sayo." Biglang singit ni Dwayne. "Health inspector 'yang tatlo at for sure may kinalaman 'yon sa article sa cafe."

Pagpasok namin sa loob, hinarap agad kami nung isa sa tatlo. Nagpakita siya ng ID at isa nga siyang regional health inspector, actually silang tatlo. "Ikaw ba si Ms. Keila Mendoza? Ang owner ng cafe na 'to?" Tanong niya.

"Ako nga, anong kailangan niyo?"

"May natanggap kasi kaming reklamo tungkol sa cafe niyo kaya ito," inabot niya sakin 'yong papel. "Permission para makapag inspect kami dito."

Kinuha sakin ni Dwayne 'yong papel at binasa niya lahat ng nakasulat don. Mukhang inis pa din siya. "Legit ng 'tong permit na 'to. We have to let them see the kitchen."

"Sige, mag inspect na kayo. Close muna namin 'yong cafe."

Nag close muna kami habang nag i-inspect sila sa kitchen. Wala pa naman customers kaya ayos lang.

Nasa loob din kami ng kitchen ni Dwayne kasama 'yong mga inspectors. Tinignan nila lahat at so far hindi naman ako kinakabahan kasi alam ko naman na malinis 'yong buong cafe.

Pagbukas na pagbukas ng isang inspector duon sa isang storage cabinet namin, may lumabas na mga ipis. Kahit ako nagulat. Where the hell did that come from?

"Nako, marked down," bulong nung isang inspector. "Malaking marked down." May sinulat na siya don sa papel na hawak niya.

"Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon," bulong ko kay Dwayne. "Palagi kong tinitignan 'yong storage, malinis siya."

"I know, Keila. Hayaan na lang muna natin sila."

Nilibot nila 'yong likod at may nakita silang dalawang daga. Pagkatapos pag-ikot nila sa buong cafe, may nakita na naman silang ipis. Gusto ko na talagang sumabog kanina pa pero pinipigilan lang ako ni Dwayne. Malinis 'yong cafe namin at imposibleng magkaroon ng mga ipis at daga dito. Ang sakit na ng ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko nga alam kung nananaginip lang ba ako o hindi. This is too much to handle.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon