Chapter 19

691K 23.6K 4.4K
                                    

Farewell little angel

Keila's point of view


"Merry Christmas!" Sigaw namin lahat.

Nandito lahat ng kamag-anak namin sa side ni Mama. The more the merrier nga daw sabi nila. Well, masaya naman ako kasi nandito sila at least hindi lang kaming tatlo nila Mama dito. Masaya naman ako kahit si Mama at si Cloud lang ang kasama ko pero alam ko na mas masaya kapag madami kami dito. Isa pa, matagal ng hindi nakikita ni Mama 'yong ibang mga kamag-anak niya.

"Here's my gift," sambit ni Cloud sabay abot sakin ng maliit na box. Excited ako kaya binuksan ko 'yon agad. "Hope you like it."

Pagbukas ko ng box, susi 'yong laman. Nanlaki agad 'yong mata ko sa nakita ko.

"You know the condo unit you like? I bought it for you."

"Really? Thank you Cloud!" Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. Hindi ako makapaniwala na bibilhin niya talaga 'yon para sakin. "This is too much but thank you."

"Anything for you, twin."

Inabot ko sakanya 'yong regalo ko. Medyo nahihiya pa akong ibigay 'yon kasi walang wala 'yong regalo ko sa regalo niya pero sabi namam nila "It's the thought that counts".

Pagkalabas ni Cloud ng regalo ko, napangiti agad siya. "Wow, it's really nice. Ikaw gumawa?"

"Yup, pinagpuyatan ko 'yan."

Tatlong gabi ko din ginawa 'yong knitted shirt nila ni Mama. Buti na nga lang nagustuhan din ni Mama 'yong regalo ko. Isang malaking oven naman 'yong gift sakin ni Mama para daw palagi akong nakapag bake sa bahay. Last month kasi nasira na 'yong dati naming oven kaya hindi na din ako nakakapag-bake dito sa bahay.

"Cheers!" Sigaw ni Cloud.

Aabutin ko sana 'yong wine glass ko pero natabig ko siya. Nahulog siya sa sahig tapos nabasag. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla nung nakita ko 'yong basag na glass.

"Keila, are you okay?" Tanong ni Mama. "Nasaktan ka ba?"

"Hindi ako nasaktan," hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko. Biglang bumigat 'yong pakiramdam ko. "Ma, I'll just go to my room. Biglang sumama 'yong pakiramdam ko."

"Okay sige, magpahinga ka na."

"Sasamahan na kita," alok ni Cloud. "Bigla kang namutla."

"I'm fine Cloud, just stay here with Mom, okay?"

Humiga agad ako sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat 'yong pakiramdam ko. Basag na baso lang naman 'yon. Ang weird ng feeling.

Pinikit ko 'yong mata ko, balak ko sana iidlip lang ako sandali pero nakatulog na pala talaga ako.

Pag-gising ko kinabukasan, paalis na 'yong mga kamag-anak namin. Kahit si Cloud wala na, may show daw sila ngayon kaya umalis na siya. Tinulungan ko na lang si Mama na magligpit ng mga gamit.

"Keila, kung hindi ka pa talaga okay, magpunta tayo sa hospital."

Natigilan ako bigla. Naisip ko si Hailey. Oo nga pala, gusto niya akong makasama sa ngayong pasko. "Mama, kailangan ko pala munang umalis. Okay ka na ba dito? Sorry, babalik din ako mamaya."

"Sige anak, ako na ang bahala dito. Mag ingat ka."

Kinuha ko muna 'yong regalo ko sakanila pagkatapos nag drive agad ako papunta sa bahay nila Kean. Hindi ko alam kung papapasukin niya ako sa bahay nila pero kailangan matupad ko 'yong pangako ko kay Hailey.

Nag doorbell ako sa gate nila pero walang sumasagot. "Kean!" Sigaw ko. "Kean! Pagbuksan mo naman ako ng pinto oh!"

Bumukas 'yong pinto pero hindi si Kean 'yong nakita ko. "Miss Keila?" 'Yong kasambahay nila 'yong sumalubong sakin pero may kakaiba sa mukha niya. Magang-maga 'yong mata niya, halatang magdamag siyang umiyak.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon