Chapter 38

525K 16.2K 11.2K
                                    

Fake Relationship

Krystal's point of view

"Let's talk about the contract."

I knew this day would come. Sabi ko na nga ba, bibigay din siya. Naaayon lahat sa plano ko. Kilala ko na siya at alam kong gagawin din niya 'to. Masyadong malambot ang puso niya.

"What about the contract?" I asked. "Anyways, pumasok ka muna sa loob."

Hinila ko siya papasok sa condo ko. He's still innocent. Masyado pa din siyang fragile para sa akin. That's what I love about him. That's why I love him.

"I want you to stop it," umupo siya sa sofa at nakatingin pa siya ng seryoso sakin. Sobrang talim ng mga tingin niya pero hindi ako natatakot. Alam ko naman kahit anong gawin ko, hindi niya ako kayang saktan. He loves me. He's just denying it, I know. "I just want Kean and Keila to be happy."

Umupo ako sa harap niya.

Kung tutuusin kapag pinahinto ko ang kontrata, magkakabalikan si Keila at Kean pagkatapos maiiwan mag-isa si Dwayne at syempre duon ako papasok ulit sa buhay niya at for sure magkakabalikan na naman kami.

Kapag hininto ko ang kontrata babalik ulit sakin si Dwayne pero magiging masaya si Keila. Hindi, hindi ko hahayaan na maging masaya ang babae na 'yon. Madaming paraan para makuha ko ulit si Dwayne pero hindi sa paraan na magiging masaya si Keila.

She'll never be happy while I'm still here.

"Paano kung ayokong itigil ang kontrata? May magagawa ka ba?"

Nanlaki ang mata ko ng lumuhod siya sa harapan ko. Really? Kaya niyang gawin 'to para sa babaeng 'yon? He's so stupid for doing this.

"Please Krystal, I'm begging you. Stop the contract."

Nakatingin lang ako sayo. Naiinis ako sa mga pinaggagawa niya ngayon. Nagawa niya talagang lunukin ang pride niya para lang sa Keila na 'yon? Ano bang meron sa babae na 'yon? There's nothing special about that b*tch.

"Are you stupid, Dwayne?" I asked with an irate voice. "Your goal for that contract it to get Keila. You're there already, why stop?"

"Kahit anong gawin ko, hindi na ako kayang mahalin ulit ni Keila. Si Kean ang totoong mahal niya hanggang ngayon. Ayoko na siyang mahirapan at masaktan pa."

Natawa ako at napapalakpak pa. "Wow, the award of being a martyr goes to you, Dwayne."

"I love her and I'll do anything for her."

Hindi ko na naman napigilan na mainis. Ano bang meron sa babae na 'yon at nagagawa ni Dwayne at Kean na magsakripisyo para sakanya? Wala naman alam ang babaeng 'yon kung hindi ang sarili niya. She's not even worth a tear from anyone. Hindi naman siya dapat minamahal.

"Are you willing to do anything for that girl?"

Tumango siya. "Kahit ano pang ipagawa mo, Krystal."

I smiled. Ngiting tagumpay. Lahat talaga umaayos sa plano ko. Matagal ko nang nakita ang eksena na 'to. Bago pa lang gawin ni Dwayne ang kontrata. I'm just too smart to calculate everything.

"Well then, it's too simple." I said. "Just go back to me and I'll stop the contract."

Sa akin pa din talaga ang huling halakhak.

"Really, Krystal?"

Ngumiti ako sakanya. "Really, Dwayne."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon