Chapter 43

549K 18.9K 7.9K
                                    

Ben

Keila's point if view

Tatlong linggo na ang lumipas simula nang palitan ako ni Dana sa show. Sa tatlong linggo na lumipas, ang dami nang nangyari. Mas lumala na 'yong galit sakin ng mga tao. May mga death threats na din akong natatanggap kaya hind na din ako nakakalabas na mag-isa. Buti na lang palagi akong sinasamahan ni Aly at Rave kapag lumalabas ako o kapag nakikipagkita ako ng patago kay Kean.

Napatalon ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Kean. "Hello, babe!" sigaw niya. Nag-alala agad ako dahil akala ko may problema siya.

"Anong problema?" tanong ko.

"Wala, na-miss lang kita ng sobra." Sambit niya. Habang sinasabi niya 'yon nai-imagine ko siya na nakangiti na kita ang buong gilagid niya. "Pwede ba tayong magkita? Please?" ginamit niya pa ang naglalambing niyang boses.

"Sandali, nasa Manila na ba kayo ulit?"

"Yes babe, nandito na nga ako sa tapat ng bahay niyo, eh." Tumingin agad ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko na duon ang kotse ni Kean. Napangiti agad ako ng makita ko siya. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita dahil nag taping sila sa Bataan. "I'll wait for you, okay?"

Dali-dali akong nag-ayos. Pinapasok ko muna ang kotse ni Kean sa bahay para hindi kami masyadong mahalata. Doble ingat ang ginagawa namin para hindi kami makita ng iba. Ayaw na ni Kean na mas madagdagan pa ang galit sakin ng tao. Kaya sa loob ng tatlong linggo, palihim lang lahat ng pagkikita namin.

Pagpasok ko sa kotse niya, niyakap niya agad ako ng sobrang higpit. Inilagay niya ang mukha niya sa balikat ko. "I miss you so much, babe."

"I miss you too, my alien." Natulala siya bigla habang nakatingin sa akin. "Anong problema ?"

Ngumisi siya at hinawakan niya ang pisngi ko. "Natulala lang ako dahil sa kagandahan mo." Biglang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinurot kurot ko ang pisngi niya.

"Why so sweet, my alien?"

Hindi niya ako sinagot, imbes hinalikan niya ako sa labi ko. "I love you, Keila. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Palagi mo 'yang tandaan. Wag mo 'yang kalimutan." Ngumiti lang ako sa sinabi niya pero deep inside bigla akong nag-alala, parang may kakaiba sa mga sinabi niya.

Nag drive na siya papunta sa luma nilang bahay.

Pagdating naming duon, nagulat ako ng may lumapit sakin na aso, isang husky.

 "Surprise!" sigaw niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Surprise!" sigaw niya.

Binuhat ko ang husky at tinignan ko si Kean. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko.

"That's my gift for you. He'll protect you every time, especially when I'm not beside you." Lumapit siya sakin at kinuha niya sakin ang aso. "Shall we name him? What do you want to name him?"

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon