Chapter 26

663K 22.1K 13K
                                    

Terrace


Tatlong araw na kaming nag ti-taping at kahit mahirap kinakaya ko naman siya. Minsan sinasamahan ako ni Mama pero madalas si Dwayne 'yong nandyan. Hindi ko naman masisi si Mama kasi busy siya sa business namin. Thankful na lang siguro ako kay Dwayne kasi palagi siyang nandyan para sakin. Si Cloud busy din sa sarilo niyang shooting pero palagi naman niya akong tinatawagan sa phone ko.

Alam na ng mga tao ang nangyaring aksidente kay Dana pero hindi pa nila alam na pinalitan ko siya sa tv series nila ni Kean. Gusto daw kasi makita ng producers kung anong reaction ng mga tao kaya hindi pa nila sinasabi ang totoo. Gusto nilang makita kung gaano ka-noticeable 'yong pagbabago ng mukha ni Dana o hindi.

After ng taping namin ngayong araw, papanuorin na namin 'yong first taping na kasama na ako. Sa totoo lang kinakabahan ako lalo na wala si Dwayne ngayon sa tabi ko. Natatakot din ako sa reaksyon ng mga tao. Paano kapag hindi nagustuhan 'yong pag-arte ko? Paano kung ayaw nila sakin?

"Standby guys, mag air na tayo!" Sigaw ni Direk. "Let's hope for the best!"

Katabi ko ngayon si Kean. Tamihik lang kaming dalawa pero minsan napapatingin ako sakanya. Ano kayang nasa isip niya?

Bago ko pa man masagot ang tanong ko, nag start na ang show.

Nakatitig lang ako sa screen. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito pala 'yong feeling kapag nakita mo 'yong sarili ko sa TV.

Hindi ko masabi kung okay na ba 'yong acting ko o hindi pero may tiwala naman ako kay Direk Toni. Magaling siya at alam naman niya kapag pangit o hindi ang pag-arte ng mga artista niya.

Isang oras din tumugal ang show. Nagpalakpakan ang lahat kasama na don si Kean. "Good job, Keila. You've done great." Sambit niya.

"Salamat, kinakabahan ako baka hindi magustuhan ng mga tao na ako na 'yong umaarte imbis na si Dana."

Biglang sumingit si Direk. "They can't do anything about it and besides you're great." Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Salamat kasi hindi mo ako binigo Keila." Napangiti ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano, gumaan 'yong loob ko.

"Salamat din po direk." Sagot ko.

"That's a wrap! See you tomorrow guys! Good job sa ating lahat!" Sigaw ni direk sa lahat. "Thank you!"

Pumunta ako sa tent ko. Hanggang ngayon wala pa din akong nahahanap na assistant pero tingin ko naman kaya ko pa.

"Mag-isa ka lang? Asan si Dwayne?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Bigla na lang kasing lumitaw kung saan si Kean. "Sorry, nagulat ata kita."

"Ayos lang, Kean." Sagot ko. "Busy kasi siya ngayon, eh. Kaya ko naman mag-isa. Konti lang naman 'yong dala kong gamit." Nang matapos kong iligpit ang gamit ko, bigla na lang kinuha ni Kean 'yong gamit ko. "Teka, anong gagawin mo?"

"Ihahatid ka." Tipid at seryoso niyang sabi. "Ano? May naiwan ka pa ba?" Nakatingin lang ako sakanya. Seryoso ba talaga siya don? "Hindi naman siguro magagalit sakin si Dwayne kung ihahatid kita. Wala naman siya dito at isa pa dapat pasalamatan pa niya ako dahil ihahatid kita."

"Kean, kaya ko na."

Hindi niya ako pinakinggan. Tinalukuran niya ako na dala 'yong gamit ko. Hinabol ko siya para pigilan. "Kean kaya ko na nga, eh. Wag mo na akong ihatid."

Tinitigan niya ako. Ang seryoso na naman ng tingin niya. Bigla tuloy akong kinabahan. "Ganyan ka naman, eh. Palagi mong sinasabi na kaya mo na pero ang totoo hindi kaya sa huli palagi kang nasasaktan." Natulala ako sa sinabi niya. Parang natamaan ako ng sobra sa mga salita niya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon