Chapter 24

625K 21.8K 9.5K
                                    

First day


"Anak, wala naman akong gagawin kaya hayaan mo na akong sumama sayo." Pagpupumilit ni Mama. "Ang lahat ng artista may personal assistant." Napangiti na lang ako sa inaasal ni Mama. Na-appreciate ko naman lahat ng effort niya pero ayoko lang siyang mahirapan.

"Mama, wala ka pang tulog. Isa pa hindi ko alam kung gaano katagal ang taping. Mabuti pa magpahinga ka na lang muna pagkatapos sumunod ka na lang sa akin." Niyakap ko siya para iparamdam 'yong pasasalamat ko sakanya. "Isa pa, hindi ko hahayaan na maging personal assistant lang kita. Kaya ko naman, eh. Ako pa ba?"

Ngumiti na lang siya pero alam mo sa sarili ko na labag sa loob niya na hindi ako samahan. Wala pa siyang tulog at ayokong ma perwisyo ko siya. Sabi naman ni Direk may mag a-assist sa akin sa taping.

"Are you ready?" Tanong ni Cloud.

Tumango ako at kinuha ang gamit ko. Niyakap ko ulit ng mahigpit si Mama. "I'll be okay, don't worry about me, okay? I love you."

"I love you too, anak."

Inalalayan ako ni Cloud sa mga gamit ko. Pareho lang kami ng way na dadaanan kaya ihahatid niya na lang daw ako. Gusto din niyang kausapin si Direk para i secure ako. Tingin ko naman hindi na kailangan 'yon pero hinayaan ko na lang din si Cloud sa gusto niya. Busy na siya sa mga tapings kaya siguro pakiramdam niya hindi na niya nagagamapanan ang pagiging kapatid niya sakin, na babantayan at po-protektahan niya ako.

"Don't rush everything. Conceptualize, put yourself on the character's situation. Kung ikaw si Gaile, ikaw si Gaile at hindi si Keila." Paalala ulit niya. Ang dami niyang bilin sakin tungkol sa showbiz at sa pag-arte. Lahat naman 'yon tinandaan ko. "Kung nahihirapan ka sa isang bagay, mag text ka agad sakin at mag tanong ka. I'll call you when I'm free."

"Yes twin, copy that." Sagot ko.

Wala pang 8AM nasa set na kami. Madami na din tao dito pero hindi pa naka set-up lahat. Nasa amusement park kami na nirentahan nila. Ang eksena daw ngayon, mag da-date ang character ni Dana na si Gaile at character ni Kean na si Kyle. Nagbasa na ako ng script at kahit papaano na practice ko na siya. Wag nga lang ako ma mental block mamaya.

"Keila, I'm happy that you're finally here and you're even early." Bati sa akin ni Direk. "Tara, tuturuan muna kita ng mga basics sa pag-arte at ang mga do's and dont's ko sa set. Okay?"

Tumango lang ako. Mukha naman mabait si Direk pero ang balita ko kasi strict siya at ayaw niya ng mga pasaway na talents. Hindi naman ako magpapasaway pero baguhan lang ako sa pag-arte kaya natatakot ako na baka kapag nagkamali ako magalit at sigawan niya ako.

Kalahating oras din kami nag-usap. Lahat ng sinabi niya, kinabisado ko. Lahat ng mga ayaw niya, nakatatak na sa isip ko.

"Okay we'll start!" Sigaw niya sa buong crew. "Where's Kean?" Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan niya.

Isang bagay pala ang hindi ko napaghandaan ng mabuti. Iyon ay ang paghaharap ulit namin ni Kean.

"I'm here!" Sagot niya.

Tumigil siya sa pag-lalakad niya at tumingin siya sakin. Nagkatitigan kami pero natauhan kami pareho ng sumigaw na ulit si Direk. "Let's start the shoot!"

Naglakad kami pareho ni Kean papunta sa isang bench. Nakaupo kami duon at kakain ng ice cream. Ayokong ma distract sa kung ano kaya ginawa ko ang sinabi ni Cloud. Inisip ko na ako si Gaile at si Kean ay si Kyle.

"Relax, Keila." Sambit ni Kean. "Masyado kang kabado." Napatingin ako sakanya at nakangisi siya.

"First time ko kaya 'to kaya normal lang na kabahan ako." Pag-susungit ko. Feeling ko kasi inaasar niya ako dahil sa mga ngisi niya. "Magpasalamat ka nga, tinanggap ko 'yong role na 'to kahit alam kong ikaw ang makakasama ko."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon