Epilogue

745K 22.3K 12.6K
                                    




Nandito na kami ngayon sa libing niya.

Patuloy ang pag-patak ng ulan. Siguro pati ang panahon ay nalulungkot sa pagkawala niya. Hindi ko akalain na darating ang araw na 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko lubos maisip na magagawa niyang mag sakripisyo ng ganon.

Pumunta na sa harapan ang tatay niya at duon ito nagsalita.

"Maraming salamat sa pakikiramay niyo sa pamilya namin ngayon at salamat dahil nandito kayo ngayon para sa anak ko," napahinto siya pagsasalita dahil muli na naman siyang napaiyak. Hindi ko na din napigilan na umiyak. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng niya ngayon. "Alam ko kung nasaan man siya ngayon, masaya na siya. Kahit na mahirap, kakayanin namin magpatuloy sa buhay. Kahit na wala na ang anak ko, kahit na sobrang hirap, we'll move forward. Salamat sa mga suporta niyo sa amin."

Hindi na siya gaanong nakapagsalita pa dahil na din siguro sa sakit na nararamdaman niya. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit mawalan ng isang anak.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kean.

Tumango lang ako.

Napatingin ako sa gilid, tinitignan ko kung nandito din ba siya. Nakita ko siya sa hindi kalayuan. Naka itim siya at nakasuot ng shades. Siguro hindi nga talaga niya kayang magpakita dito kagaya ng sabi niya.

Natapos na ang libing. Humupa na din ang ulan. Unti-unti nang umalis ang mga tao. Hinintay namin ni Kean na umalis ang buong pamilya niya. Gusto kong makausap siya muli.

Nang umalis na silang lahat, lumapit kami sa puntod niya.

"Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na." Sambit ko. "Salamat sa ginawa mo, hindi namin 'yon makakalimutan."

Inakbayan ako ni Kean habang sabay kaming nakatingin sa puntod niya. Tahimik ang paligid. Umaraw na din.

"Dwayne.." sambit ko. "Maayos na ang panahon, siguro dahil kung nasaan man siya, tahimik at panatag na siya."

"Siguro nga."

Lumapit siya sa puntod at inilapag niya ang bulaklak na dala niya. "Nahihiya akong pumunta sa libing niya kanina. Alam ko kasing ako ang dahilan ng pagkamatay niya." Bakas sa boses niya ang pagkalungkot. "Ako dapat ang mamamatay, hindi siya."

Tinapik ko ang balikat niya. "Dwayne, wag mong sabihin 'yan. Kaya ka nga niligtas ni Krystal dahil gusto ka niyang mabuhay."

Nang mahulog sa bangin ang kotse ni Dwayne, sakto na sa dagat din ito nahulog. Bumangon si Krystal sa pagkakahiga niya at tumalon din para iligtas si Dwayne.

Walang malay si Dwayne siguro dahil na din sa lakas ng impact ng pagkakahulog ng kotse sa tubig. Nilangoy ni Krystal ang kotse at pagpasok niya sa loob, tinulak niya palabas si Dwayne. Nagkataon nga lang na biglang bumilis ang pagbaba ng kotse pailalim. Hindi na nakalabas pa si Krystal. Buti na lang din nagkamalay si Dwayne pagkalabas niya sa kotse kaya nagawa niya pang umahon. Sinubukan niya balikan si Krystal pero masyado nang malalim ang kotse. Isang oras din bago naiangat ang kotse at sa mga oras na 'yon, wala nang buhay si Krystal.

"Alam kong madami siyang nagawang kasalanan satin pero hindi ko pa din naman hinihiling na mamatay siya at isa pa, iniligtas niya ako. Duon ko napatunayan na mahal niya talaga ako."

Tama si Dwayne, mahal nga talaga siya ni Krystal. Nilamon lang talaga siya galit at inggit.

Pagkatapos ng isang buwan simula ng mailibing ki Krsytal, nag resign si Dwayne sa Hallyu at nag decide siyang mag-apply sa Elle Magazine sa New York kung saan din nag trabaho ang mommy niya. Natanggap naman agad siya kaya ito ngayon, nandito kami sa airport para ihatid siya.

Grabeg yakap ang natanggap niya mula kay Jenelle at Tita Candice kahit din kay Tito Jeydon. Binigyan nila kami ni Kean ng time para makapag paalam kay Dwayne.

"Umuwi ka dito sa araw ng kasal namin ha?" Sambit ni Kean. "Best Man kita, tandaan mo 'yan."

"Oo wag kang mag-alala, kahit umabsent pa ako sa work ko gagawin ko para makapunta ako." Nakangiti niyang sabi. "Ingatan mo 'to si Keila ha? Magmahalan lang kayo. Hihintayin ko 'yong future inaanak ko." Pilyo niyang sabi.

"Makakaasa ka, bro."

"Keila," humarap naman siya sakin. "Paalam na, mag iingat ka ha? Masaya ako ngayon para sayo at sa inyo ni Kean."

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.

"Mag iingat ka duon ha? Mag chat ka palagi samin. We'll miss you, Dwayne." Sambit ko. Ayoko talaga ng may mga taong umaalis. "Sana maging masaya ka duon."

"Sana nga, baka duon ko na din makilala 'yong destiny ko." pagbibiro pa niya. "Bye, Keila and Kean."

Masaya ako sa naging desisyon ni Dwayne. Mas malaki ang opportunity niya sa New York at kagaya ng sinabi niya, sana nga duon niya na mahanap ang destiny niya. Deserve niya ang mahalin ng sobra dahil ganon din siya kapag nag mahal.

"Babe pakinggan mo, pinapatugtog na sa radyo 'yong kanta namin!"

Hinila ako ni Kean papunta sa terrace para makinig sa radyo. Tumayo ang mga balahibo ko ng marinig ko na ang boses niya.

"Wow, I'm so proud of you." Sambit ko pagkatapos niyakap at hinalikan ko siya. "I love you, Kean."

"Lahat ng ginagawa ko, para sa'yo. At ang kanta namin na 'yan ay para sa'yo din Keila." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Keila Jin Mendoza, soon to be Mrs. Keila Jin Mendoza-Marco."

"Mahal na mahal din kita, my future husband, my one and only, my destiny.. Kean Marco."

Dear tadhana,
Sa buhay, madami talagang darating na pagsubok. Mga pagsubok na magpapabagsak sa'yo o magpapatibay sa'yo. Palaging may choice sa buhay. Choice mo kung haharapin mo ba ang mga problema o tatalikuran mo na lamang ang mga ito. Choice mo kung magiging masaya ka ba o mas pipiliin mong maging miserable. Nasayo pa din ang desisyon kung ano ang magiging tadhana mo. Ang mahalaga sa lahat wag kang sumuko dahil sa huli magiging maayos din ang lahat.


The end.

To God be the glory.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon