Chapter 35

634K 19.7K 11.9K
                                    

The three of us

Dwayne's POV

Maaga ako nagising dahil sa Pangasinan daw ang taping ngayon nila Keila. Sakto naman na wala akong pasok kaya makakasama ako sakanila. Isa pa gusto ko din sana mag island hoping kasama siya, siguro pagkatapos ng taping nila. Wala na naman siyang gagawin pagkatapos.

"Kuya pasalubong ko ha?" sambit ni Jenelle. "Paki kamusta na din ako kay Keila. Ang dami ko nang utang sakanya, hindi ko na siya nadadalaw. Baka nagtatampo na siya sakin." Ngumuso pa siya na para siyang bata.

Ginulo gulo ko ang buhok niya. "Kilala ko si Keila at hindi siya ganon. Naiintindihan ka niya, wag kang mag-alala."

"Paano mo nalaman? Tinanong mo?"

"I know her. She's not immature just like you." Pang-aasar ko sakanya. Ang cute niya kasi kapag naiinis siya.

"Hindi naman ako immature ha!" Pagmamaktol niya. "I'm matured enough!"

"Kaya pala hanggang ngayon patay na patay ka pa din kay Cloud? Jenelle, grow up. Hindi ka niya magugustuhan kahit anong gawin mo dahil may mahal na siyang iba."

Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko. Ang sama ng tingin niya sakin. Napasobra ata ang pang-aasar ko sakanya.

"So pareho pala tayong immature kasi mahal na mahal mo si Keila kahit si Kean naman talaga ang mahal niya."

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. I was caught off guard. Hindi ko akalain na masasabi niya sa harapan ko 'yon. O baka naman dahil natamaan ako ng matindi sa mga sinabi niya.

"Uhm.. sorry Kuya Dwayne. Wag mo na lang pansinin 'yong sinabi ko." Niyakap niya ako pagkatapos tumakbo siya paakyat ng kwarto niya. Sumigaw pa siya bago siya tuluyang makaalis. "Ingat ka Kuya! I love you!"

I'm still dumbfounded but I still managed to get out of the house.

"Shots fired, Dwayne." Bulong ko sa sarili ko. "Strike two."

Pumasok ako sa kotse ko at nag drive papunta sa bahay ni Keila. Dinala ko na lang 'yong Montero namin dahil alam kong sasabay sa amin si Alyanna at Rave. Kung pwede nga lang dalawa na lang kami ni Keila para ma-solo ko naman siya.

Pakiramdam ko kasi unti-unti nang lumalayo sa akin si Keila. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang nararamdaman ko. Natatakot na nga lang ako na baka isang araw, tuluyan na siyang mawala sakin.

Pag park ko sa harap ng bahay nila, nasa labas na sila at nag hihintay sa akin. Bumaba agad ako para tulungan sila sa mga gamit nila.

"Good morning Keila." Bati ko. "Hi Aly and Rave."

"Good morning din pogi," sagot ni Aly. "Ang sipag mo mag hatid ha? Plus pogi points yan kay Keila. Hindi ba?"

Napangiti si Keila. "Mabuti pa umalis na tayo baka ma-late pa tayo, eh."

Sa tabi ko tumabi si Keila. Parang inaantok pa silang lahat. "Matulog na lang muna kayo, gigisingin ko kayo kapag nandon na tayo." Sambit ko.

Tumingin sakin si Keila. "Sigurado ka ba, Dwayne? Sasamahan kita sa byahe." Sambit niya.

"Wag na, kailangan mong magpahinga. May taping ka pa mamaya."

"Oo nga Keila," singit ni Rave. "Kami na lang ang sasama kay Dwayne sa byahe."

"Sure ka ba dyan? Ikaw nga 'yong kanina pa nagrereklamo na inaantok ka na." Sambit ni Keila. "Sige na matulog na kayo, ako na ang bahala."

"Hayaan mo na sila, para mas lalong ma develop 'yong dalawa." Bulong ni Aly kay Rave pero talagang malakas 'yong boses niya kaya narinig pa namin ni Keila. "Sige na, matutulog na kami. Wag niyo kaming intindihin dito. Isipin niyo lang na wala kami dito."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon