Chapter 33

654K 20.2K 11.3K
                                    

Savior

Nag drive na kami pabalik sa Maynila. Kasama na namin sa kotse si Rave at siya na ang magmaneho para sa amin. Katabi niya sa harapan si Aly na kanina pa patingin tingin sa akin. "Bakit kanina mo pa ako nililingon dyan?" tanong ko.

Ngumiti siya, at muling tumingin sa akin. "Sabihin mo, mahal mo pa ba si Kean?"

Hindi ko agad siya nasagot. Napatingin na lang muna ako sa bintana.

"Silence means yes." Singit ni Rave.

"Keila, alam mong hindi na kayo pwede. Isa pa, isipin mo kung paano na si Dwayne." Sambit ni Aly. "Hindi sa pinapangunahan kita, pinapaalalahanan lang kita."

Alam ko naman ang lahat ng 'yon, eh. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin ni Kean at mas makakabuti kung kakalimutan na lang namin itong nararamdaman naming dalawa. "Aly, alam ko 'yon. Tapos na kami ni Kean."

Natahimik kaming tatlo. Hindi na nagsalita si Rave o si Aly. Wala pang tatlong oras nakarating na kami sa hotel na pag gaganapan ng press conference.

Pagdating namin duon, nag palit muna ako ng damit at nag-ayos. Tumawag si Dwayne sa akin at habang tinatanong ko kung nasaan na siya, biglang bumukas ang pinto ng dressing room ko.

"Hi Keila," bati niya. "Buti nakaabot ako dito." Masaya niyang sabi. "Kasama ako sa panel ng mga press."

"Pogi, kasama mo ba 'yong Krystal na bitch na 'yon?" Singit ni Aly. "Kasi kung oo, magtutuos kami mamaya." Tumaas ang kilay ni Dwayne.

"Oo kasama ko siya."

"Rave," sambit ni Aly. "Humanda ka mamaya may kakalbuhin tayong dalawa."

Natawa na lang ako kay Aly. Ang laki talaga ng galit niya kay Krystal. Sino ba namang hindi? Ang sama naman kasi ng ugali niya.

Pagpunta namin sa mismong room, nag kwento na ako kay Dwayne kung bakit galit na galit si Aly kay Krystal. Sumingit pa siya, "Ako din naman galit sakanya at kung hindi lang talaga siya babae, baka matagal ko na siyang nasaktan." Sambit niya.

"Hayaan mo na, babalik din naman sakanya lahat ng mga ginawa niya." Pagpapakalma ko sakanya. Ngumiti ako para naman mawala na ang inis niya. "Kumain tayo ng ice cream mamaya, ano game ka?"

Para siyang bata na abot tainga ang ngiti. Ang bilis niya din minsan magpalit ng mood. "Sige, sabi mo 'yan ha?"

"Oo, promise."

Naghiwalay na kami ni Dwayne dahil kailangan niyang bumalik sa table nila at ako kailangan kong pumunta sa harapan.

Nanduon na si Kean at iba lang cast kasama na din si Direk Toni. Medyo kinakabahan ako dahil ang daming tao. Nagtama pa ang mata namin ni Krystal at abot langit ang ngiti niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko, may gagawin siyang hindi maganda ngayong gabi. "Ayos ka lang ba?" Bulong ni Kean.

Tumango lang ako at ngumiti.

Nag simula na ang presscon. Ang dami nilang tanong kay Direk at sa amin ni Kean pero karamihan tungkol sa pag-arte. Siguro hindi ulit pinayagan ni Kean ang press na magtanong tungkol sa personal na buhay namin. Mas okay ang ganon para hindi na kami mahirapan pa.

Pumunta sa table nila Dwayne at si Krystal ang magtatanong. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lakas talaga ng kutob ko na may hindi siya magandang gagawin.

Narinig ko si Kean na kausap si Carla sa phone. "Ano bang sabi ko sayo?! Wag mong ibibigay ang microphone kay Krystal? 'Yon na nga lang ang trabaho mo!"

Huli na ang lahat dahil hawak na ni Krystal ang microphone at magsasalita na siya ngayon, "Good evening everyone. I'm Krystal from Hallyu Magazine." Ang laki na naman ng ngiti niya. Nakita ko si Dwayne sa likod niya na halos hindi mapakali at nakabantay sakanya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon