Chapter 4

785K 27.1K 7.6K
                                    

Dwayne's visit

Hindi man lang nagsalita si Kean bago niya ako babaan ng phone. What the heck.

Kailangan ko pa din siyang makausap. I don't care if he doesn't want to see me but he needs to know that her mother is here.

Nagmaneho ako papunta sa bagong bahay nila Kean. Pag dating ko don, namamangha agad ako sa bahay nila. Mas malaki pa ata 'to sa bahay namin. Dito pa lang kita mo na kung gaano na kalayo ang narating ni Kean. What could I expect from a superstar?

Nag door bell agad ako at pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga katulong nila.

"Sino po sila?" tanong niya.

"Kaibigan ako ni Kean, ako si Arkin." Confident lang ako sa pagsasalita para hindi siya maghinala sakin. Kailangan kong magpanggap na alalay niya dahil malay ko ba kung pinagsabihan na siya ni Kean na wag akong papasukin. Bahala na kung kilala niya talaga ang tunay na Arkin at mabuking ako. "Pinapapunta niya ako dito."

"Kayo po 'yong assistant ni Sir Kean, hindi ba?" Tumango lang ako at pinapasok niya ako sa loob. Phew. Buti na lang. "Tatawagin ko lang po si Sir Kean."

Wala na namang magagawa si Kean kapag nandito na ako.

Umupo muna ako sa sala habang naghihintay sakanya. Punong puno ng family picture ang sala nila. Naghanap ako ng litrato kung saan kasama nila si Tita Karen pero kahit isa wala akong nakita. Hindi naman ako pwedeng magkamali. Nakita ko na dati si Tita Karen sa family picture na nasa wallet ni Kean. Isa pa, nagtutugma ang mga sinabi sakin dati ni Kean sa sinabi ni Tita Karen kahapon, ang problema lang hindi alam ni Kean ang buong pangyayari. Ang nasa isip lang niya iniwan sila ni Tita Karen para sa ibang lalaki.

"Kuya pogi!" tumakbo papalapit sakin si Hailey at niyakap niya ako. She looks so excited. I missed her. "Kuya pogi miss na miss na kita. Hindi mo man lang ako dinadalaw dito." Nag sad face siya at hinila niya ako palapit sakanya. "Nakalimutan mo na ba ako?"

Nakasuot na lang si Hailey ng bonnet para hindi ganon kahalata na nalalagas na ang buhok niya pero mas nag improve ang itsura niya kumpara nang huling beses ko siyang makita. "Hailey hindi ka pwedeng makalimutan ni Kuya pogi mo, tandaan mo yan. Busy lang ako kaya hindi kita madalawa dito pero wag kang mag alala, palagi na akong pupunta dito para dalawin ka." lumapit sakin si Hailey at niyakap niya ako ng mahigpit. Naalala ko sakanya si Jenelle nung bata pa kami. Para sakin para ko na din kapatid si Hailey.

"Thank you kuya pogi," tinignan niya ako pero nakasimangot pa din siya. "Si ate ganda kaya, kailan ako dadalawin? Miss na miss ko na din kasi siya, eh." She sounds so sad that I want to hug her right now. Nalulungkot din ako na kailangan pa niyang madamay sa nangyari kay Kean at Keila. "Kaibigan mo din ba si ate ganda? Pwede mo ba siyang kausapin? Pwede mo bang sabihin sakanya na dalawin naman ako dito sa bahay?" Natulala ako. I don't know what to say.

"Kuya pogi?" Nag-iisip ako ng tamang sasabihin sakanya pero wala akong maisip. "Okay ka lang?"

"Hailey," narinig ko ang boses ni Kean kaya napatayo ako. Lumapit siya agad samin at nilayo niya sakin ang kapatid niya. "Hindi ba sinabi ko na sayo na hindi na pupunta si Keila dito?" Ibang iba na ang aura ni Kean. He looks cold and I can't see any emotions on his eyes. "Umakyat ka na sa kwarto mo, iinom ka pa ng gamot."

Pinilit ni Hailey na ngumiti. Humarap siya sakin at nag wave siya. "Wag mong kalimutan 'yong sinabi mo ha, Kuya pogi?" nag okay sign ako sakanya at ganon din siya. Kahit paakyat na siya, nililingon pa din niya ako.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon