Chapter 23

651K 21.8K 5.9K
                                    

New career

"You must be Dana's sister, am I right?" Hindi agad ako nakasagot, iniisip ko kasi kung ano ba talagang kailangan niya sakin. "Hello?" Tanong niya.

"Yes, I'm her sister. I'm Keila." Sagot ko.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang kapatid mo. Pwedeng pwede kang pumalit sakanya pansamantala." Kumunot ang noo ko. Pumalit kay Dana? Saan naman ako papalit sakanya? "Alam mo naman na kakasimula lang ng teleserye ni Dana at Kean at sa totoo lang, delay na kami sa mga shoot kaya wala na kaming maipapalabas next next week kung hindi pa kami mag shoot ngayon."

Unti-unti kong na re-realize kung ano ba talagang kailangan niya sakin. "Gusto niyong palitan ko si Dana sa teleserye nila ni Kean? Sandali lang po, hindi ako artista kaya bakit ako 'yong gusto niyo?"

"Ikaw lang ang pwedeng pumalit sakanya dahil ikaw lang naman ang kamukhang kamukha niya. Ikaw na lang ang huli naming pag-asa. Hindi pwedeng mawala ang character ni Dana sa story, maisasakripisyo ang kalidad ng storya kung iibahin namin at lahat kami malalagot sa mga bosses kung hindi kami makakagawa ng paraan." Hinawakan niya ang kamay ko. "Please, nakikiusap ako sayo. Para naman 'to sa kapatid mo, eh."

Hindi, hindi pwede. Hindi ko 'yon kaya.

"Sorry po pero hindi ako artista at hindi ako marunong umarte kaya useless lang kung kukunin niyo ako. Maiintindihan naman siguro ng audience kung bakit mawawala sa story 'yong character ni Dana or pwede naman siguro mawala siya pansamantala or totally palitan na lang siya pero hindi ako."

Napabuntong hininga siya. "Keila, sana pag-isipan mo muna 'to ng mabuti. Isipin mo kung aalisin namin ang character ni Dana or kung papalitan namin siya, tingin mo ba pag-gising ng kapatid mo matutuwa siya sa mga nangyari? Lalo na may paraan para tulungan mo siya pero hindi mo ginawa?" May inabot siya sa akin na calling card. "Pag-isipan mo yan mabuti. Hihintayin kita hanggang friday, kung wala talaga baka itigil na lang namin ang show. Madami ang mawawalan ng trabaho at isa pa maaring bumagsak ang career ni Kean at Dana dahil dito."

Iniwan niya akong nakatulala sa kinakatayuan ko. Ganon ba talaga ang mga direktor na katulad niya? Ang galing nila magpabago ng isip. Halos ipamukha niya sakin kung gaano ako kasama kung hindi ko tatanggapin ang alok niya. Halos hindi ka makakahindi sa offer niya.

Maisip ko pa lang na papasok ako sa showbiz, sumasakit na ang ulo ko. Isa pa, anong alam ko sa pag-arte?

Hindi muna ako bumalik sa kwarto ni Dana. Nag-isip muna akong mabuti pero halos thirty minutes na ang lumilipas, wala pa din akong maisip na desisyon.

Nag paalam na muna ako kay Papa na uuwi na lang muna ako. Tingin ko kailangan ko ng pahinga.

Di-diretso na sana ako sa kwarto ko ng makita ko si Cloud na nasa kusina. Lumapit agad ako sakanya. Tamang tama, isa siya sa pwede kong hingan ng opinyon tungkol sa offer sakin.

"Twin, kumain ka na ba ng dinner?" Tanong niya. "Kumain ka na dito, mukhang pagod ka." Umupo ako sa tabi niya pero hindi para kumain kung hindi para kausapin siya.

"Kumain na ako kanina, kasabay ko si Papa." Sambit ko. "Maaga ata natapos ang shooting niyo? Dito ka ba matutulog?"

"Oo, sa isang araw pa ako aalis pero syempre babawi ako ng tulog kaya for sure tulog ako buong araw bukas." Inayos ko ang damit niya. Sa sorbang busy niya, minsan napapabayaan na niya ang sarili niya. "Salamat, twin. I miss you a lot. Wag kang mag-alala, babawi ako sa inyo ni Mama kapag natapos na 'yong shooting namin."

"Cloud, naiintindihan ko naman eh." Huminga muna ako ng malalim bago ko itanong sakanya ang tungkol sa offer sakin. "Gusto talaga kitang makausap dahil may itatanong ako sayo."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon